San Juan City Mayor Zamora, pinangunahan ang panunumpa ni Councilor Angelo Agcaoili bilang bagong Vice Mayor ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ngayong Araw ang Oath of Office ni San Juan City Councilor Angelo Agcaoili bilang bagong Bise Alkalde ng lungsod.

Ito’y matapos mabakante ang posisyon ng vice mayor ng Lungsod ni Vice Mayor Warren Villa matapos pumanaw ito noong June 18.

Ang appointment ni Agcaoli bilang Vice Mayor alinsunod sa probisyon ng San Juan City Charter, na nagsasaad na ang highest-ranking Sanggunian member ang papalit sa nakabakanteng pwesto ng Vice Mayor.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Agcaoli na sisikapin niyang harapin ang hamon sa mataas na posisyon kasabay ng pagkilala sa namayapang dating Vice Mayor.

Makakaasa naman ayon kay Mayor Zamora na buo ang kanyang tiwala na magagampanan ni Agcaoli ang bagong responsibilidad at makakaasa ito sa buong suporta ng alkalde sa lahat ng magiging programa nito bilang Vice Mayor. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us