Umabot sa isang daan at dalawampung benepisyaryo mula sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan ang nakatanggap ng Tulong Panghanapbuhay Para Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) pay-out ngayong araw, Hulyo 31, sa Pangasinan PESO sa Capitol Complex.
Ang TUPAD Program ay isa sa mga pangunahing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) alinsunod sa layunin ng ‘inclusive growth’ sa pamamagitan ng malawakang paglikha bilang solusyon sa kahirapan.
Ang mga benepisyaryo ay tatanggap ng sahod na P400.00 kada apat na oras sa isang araw o kabuuang suweldo na P4,000 sa sampung araw.
Ito ay nakabatay sa kumunidad na nagbibigay ng emergency na trabaho para sa mga displaced worker, underemployed at seasonal na manggagawa.
Sumailalim ang mga ito sa basic orientation para sa kaligtasan at kalusugan.
Maliban sa pay-out, nakatanggap din ang mga ito ng Personal Protective Equipment (PPE) at napa-enroll din sa micro-insurance.
Pinasalamatan naman nila Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino at Pangasinan PESO Manager Ma. Richelle M. Raguindin ang Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Party List sa pagbibigay ng pondo para sa TUPAD.
Dumalo sa isinagawang pay-out sina Angel Francisco, Social Services Assistance Officer-CIBAC Party list; Darwin G. Hombrebueno, Field Office Head; at Eon Chris R. Mendoza Lingayen Federation of Persons with Disabilities (LFPWD) President.| ulat ni Grace Acuar| RP1 Tayug