Bagyong Egay, posibleng maging super typhoon sa Lunes, ayon sa PAGASA

Posible umanong maging super typhoon ang bagyong Egay. Ayon sa PAGASA Weather Bureau, maaaring mangyari ito sa Lunes ng gabi o umaga ng Martes habang kumikilos ito sa silangan ng Philippine Sea. Dagdag ng PAGASA, sa loob ng 12 oras ay inaasahang lalo pang lalakas ang bagyong Egay at magiging tropical storm. Hindi pa nakikita… Continue reading Bagyong Egay, posibleng maging super typhoon sa Lunes, ayon sa PAGASA

VP Sara Duterte, ininspeksyon ang mga pasilidad na gagamitin para sa Palarong Pambansa 2023

Nagsagawa ng technical inspection si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga pasilidad na gagamitin para sa Palarong Pambansa 2023, sa Marikina Sports Center ngayong hapon. Kasama ni VP Sara sina Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. Unang ininspeksyon ang Olympic size swimming pool at bagong renovate na… Continue reading VP Sara Duterte, ininspeksyon ang mga pasilidad na gagamitin para sa Palarong Pambansa 2023

Panibagong investment pledges sa Pilipinas, inaasahan mula sa state visit ni Pangulong Marcos Jr. sa Malaysia

Isusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund (MIF) sa pagtungo nito sa Malaysia, bilang bahagi ng pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas, at panghahatak pa ng mga mamumuhunan papasok ng bansa. “Yes, it’s very safe to presume and assume, it’s very safe to assume that it will maybe be raised and promoted… Continue reading Panibagong investment pledges sa Pilipinas, inaasahan mula sa state visit ni Pangulong Marcos Jr. sa Malaysia

Kakanta ng Pambansang Awit sa SONA ni Pangulong Marcos Jr., pinangalanan na

Ang soprano singer na si Lara Maigue ang napiling kumanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, July 24. Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco sa isang mensahe. Sa naunang panayam ng House media sa opisyal ay sinabi… Continue reading Kakanta ng Pambansang Awit sa SONA ni Pangulong Marcos Jr., pinangalanan na

PH Business for Education, umaasang ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsasaayos sa sektor ng edukasyon

Umaasa ang grupong Philippine Business for Education (PBED) na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsasaayos sa sektor ng edukasyon ng bansa. Sa isinagawang pulong balitaan, sinabi ni PBED President Chito Salazar, na kinakailangan ng long-term at sustainable solutions upang tugunan ang mga problema sa education sector.  Binanggit rin ni Salazar, na nasimulan na rin ng pamahalaan… Continue reading PH Business for Education, umaasang ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsasaayos sa sektor ng edukasyon

Mega Job Fair, isasagawa sa Lungsod ng Caloocan; mahigit 6,000 trabaho alok sa nasabing job fair

Magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Caloocan ng ika-9 na Mega Job Fair sa Bulwagang Katipunan, Caloocan City Hall-South sa July 26. Ayon sa Caloocan City Public Employment Service Office (PESO), nasa 6,400 ang bankanteng trabaho na maaaring applayan sa 73 kumpanya na lalahok sa job fair. Tampok din sa nasabing job fair ang mga… Continue reading Mega Job Fair, isasagawa sa Lungsod ng Caloocan; mahigit 6,000 trabaho alok sa nasabing job fair

Larong Pinoy, Para-Games, weightlifting at iba pang exhibition games, itatampok sa Palarong Pambansa

Ibibida na rin ng Department of Education ang Indigenous Filipino Games o Laro ng Lahi sa darating na 2023 Palarong Pambansa. Ayon sa DepEd, layon nila na mabigyang-diin ang kahalagahan ng culture at sports sa pagbabalik ng naturang patimpalak matapos na mahinto ng tatlong taon dahil sa COVID-19. Bukod sa Indigenous Filipino Games, magiging bahagi… Continue reading Larong Pinoy, Para-Games, weightlifting at iba pang exhibition games, itatampok sa Palarong Pambansa

Deadline ng SIM card registration, wala nang extension — DICT Sec. Ivan John Uy

Photo from Presidential Communications Office

Hindi na palalawigin pa ng pamahalan ang deadline ng sim card registration sa July 25. Ito ang inihayag ni DICT Sec. Ivan John Uy kasunod ng paghikayat sa publiko na magparehistro at ‘wag nang antayin pa ang deadline. Paliwanag nito, otomatikong mawawalan na ng koneksyon ang mga SIM card na hindi rehistrado pagtuntong ng 12:01… Continue reading Deadline ng SIM card registration, wala nang extension — DICT Sec. Ivan John Uy

Veteran law maker, kumpiyansang mababasura ang ICC probe sa kawalan ng hurisdiksyon sa Pilipinas

Pinayuhan ng isang mambabatas ang pamahalaan na maging kalmado sa pagtugon sa planong imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) patungkol sa anti-illegal drug war na ipinatupad ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, hayaan na lamang ang ICC na mag-imbestiga. At oras may kasong ihain ay saka naman… Continue reading Veteran law maker, kumpiyansang mababasura ang ICC probe sa kawalan ng hurisdiksyon sa Pilipinas

PNP Chief, nagpahayag ng kasiyahan sa mahusay na kakayahan ng mga pulis sa Civil Disturbance Management

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga nagwaging police team sa Civil Disturbance Management (CDM) Exercise na isinagawa sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig kahapon. Sa naturang kompetisyon, nag-kampeon ang Southern Police District (SPD); habang First runner-up ang Quezon City Police District (QCPD) ; at Second runner-up ang Special Action Force… Continue reading PNP Chief, nagpahayag ng kasiyahan sa mahusay na kakayahan ng mga pulis sa Civil Disturbance Management