Planong panghuhuli sa mga rider na sumisilong sa mga footbridge, hiniling na ipagpaliban muna

Umapela si 1-Rider Patylist Representative Rodge Gutierrez na ipagpaliban muna ang panghuhuli at pagpapataw ng multa sa mga rider na sumisilong sa ilalim ng footbridge at flyover. Ayon sa mambabatas, hangga’t wala pang alternatibong solusyon dito at nakaamba ang tag-ulan ay hindi muna dapat ipatupad ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mag-isyu… Continue reading Planong panghuhuli sa mga rider na sumisilong sa mga footbridge, hiniling na ipagpaliban muna

Bagong labas na EO 34 ng Palasyo, makatutulong sa mga isyu ng pabahay sa bansa — DHSUD

Inaasahang mas matutugunan na ang mga problema sa pabahay sa bansa, kasunod ito ng paglabas ng Executive Order No. 34 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kung saan maari nang gamitin ang mga nakatiwangwang na lupain ng gobyerno para sa mga housing project ng pamahalaan. Sa ilalim ng nasabing EO, idinedeklara ang Pambansang Pabahay… Continue reading Bagong labas na EO 34 ng Palasyo, makatutulong sa mga isyu ng pabahay sa bansa — DHSUD

Philippine Nat’l Police Academy, nakapagtala ng record-breaking na bilang ng aplikante sa cadet admission test

Umabot sa 37,020 indibidwal ang pumasa sa eligibility para makasama sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test (PNPACAT) ngayong taon. Ayon kay PNPA Director Police Brigadier General Samuel Nacion, ang mga kwalipikadong aplikante ay mula sa mahigit 108,000 nagsumite ng aplikasyon mula January 1 hanggang July 15. Sinabi ni Nacion na ito ang pinakamalaking… Continue reading Philippine Nat’l Police Academy, nakapagtala ng record-breaking na bilang ng aplikante sa cadet admission test

Nat’l Task Force for the West Philippine Sea, ire-reorganisa

Magkakaroon ng reorganisasyon sa National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) upang mas epektibong makatugon sa situasyon naturang pinag-aagawang karagatan. Ayon kay outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino, nais ng Pangulong Marcos na magkaroon ng “Focus” ang NTF-WPS kaya lumikha ng Office of the Presidential Adviser… Continue reading Nat’l Task Force for the West Philippine Sea, ire-reorganisa

Gun ban sa Lunes para sa SONA ng Pangulo, ipinaalala ng PNP sa publiko

Pinaalalahanan ng PNP ang publiko na may ipatutupad na isang araw na gun-ban sa tatlong rehiyong sa Lunes bilang bahagi ng seguridad para sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Police BGen. Leo Franciso, magsisimula ang gun ban ng 12:01 ng hatinggabi sa… Continue reading Gun ban sa Lunes para sa SONA ng Pangulo, ipinaalala ng PNP sa publiko

Paglikha ng retirement trust fund para sa pensyon ng mga sundalo, tinutukan ni DND Sec. Teodoro

Tinututukan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang paglikha ng Retirement Trust Fund para sa pensyon ng mga sundalo. Bahagi ito ng mga tinatalakay na reporma sa Military and Uniformed Personnel (MUP) pension scheme. Ayon sa kalihim, kailangang masiguro na mayroong trust fund na maayos na pinamamahalaan at may independensya tulad ng… Continue reading Paglikha ng retirement trust fund para sa pensyon ng mga sundalo, tinutukan ni DND Sec. Teodoro

North-South Commuter Railway Malolos-Tutuban Project, nasa 57.61% nang kumpleto — DOTr

Dahil sa patuloy na pagpupursige ng Department of Transportation (DOTr) sa pagsasaayos ng ating mga daang bakal sa bansa at maisakatuparan ang modernisasyon nito, nasa 57.61 percent nang kumpleto ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway Project Malolos-Tutuban Project. Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, oras na matapos ang naturang proyekto, mas bibilis na ang biyahe… Continue reading North-South Commuter Railway Malolos-Tutuban Project, nasa 57.61% nang kumpleto — DOTr

DSWD, nakapag-abot na ng halos ₱2-M tulong sa mga apektado ng habagat at bagyong Dodong

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng habagat at bagyong Dodong. Batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 20 ay umakyat na sa halos ₱2-milyon ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa… Continue reading DSWD, nakapag-abot na ng halos ₱2-M tulong sa mga apektado ng habagat at bagyong Dodong

Mga nairehistrong sim cards sa bansa, umabot na sa 104 milyon — NTC

Nasa 104 milyong SIM cards na ang nairehistro sa bansa, ilang araw bago ang nakatakdang deadline ng SIM Registration sa July 25. Batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commision (NTC), katumbas na ito ng 61.94% ng target na 169 milyong telco subscribers sa bansa. Mula sa kabuuang SIM card registrants, 49,201,007 ang nakarehistro sa… Continue reading Mga nairehistrong sim cards sa bansa, umabot na sa 104 milyon — NTC

Kongreso, handang makipagtulungan sa ibang mga parlyamento

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez sa mga foreign diplomat ang pagiging bukas ng Kongreso ng Pilipinas na makipagtulungan sa parlyamento ng ibang bansa sa mga usapin ng magkatugmang interes. Ang pahayag ay ginawa ng House leader sa kaniyang pagdalo sa isinagawang briefings sa diplomatic immunity at privileges sa Maynila na ikinasa ng Department of… Continue reading Kongreso, handang makipagtulungan sa ibang mga parlyamento