DSWD, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Cotabato

Nagpadala na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang mga residente ng Cotabato na naapektuhang ng pagbaha na dulot ng habagat at bagyong Egay. Sa pamamagitan ng DSWD SOCCSKSARGEN Field Office, naghatid ang kagawaran ng cash assistance sa 11 pamilya mula sa Bayan ng Libungan na nasira ang tahanan. Nakatanggap… Continue reading DSWD, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Cotabato

Susunod na hakbang ng Ethics Committee ng Kamara laban kay Rep. Arnie Teves, titimbangin pa

Inaasahan na magpupulong muli ang House Committee on Ethics sa susunod na linggo upang pag-usapan kung ano ang magiging susunod na hakbang laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. Ayon kay COOP NATCO Party-list Representative Felimon Espares, chair ng komite, hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam ang suspended congressman sa Kamara.… Continue reading Susunod na hakbang ng Ethics Committee ng Kamara laban kay Rep. Arnie Teves, titimbangin pa

Mga evacuee sa Occidental Mindoro, pinatututukan ni DSWD Sec. Gatchalian

Inatasan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang kanilang MIMAROPA (Mindoro Oriental & Occidental, Marinduque, Romblon, and Palawan) Field Office na asikasuhin ang mga residenteng inilikas sa ilang bayan sa Occidental Mindoro dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat at bagyong Egay. Pinatitiyak ng kalihim kay MIMAROPA Regional Director… Continue reading Mga evacuee sa Occidental Mindoro, pinatututukan ni DSWD Sec. Gatchalian

Bagyong Egay, napanatili ang lakas habang nasa karagatan ng Cagayan

Napanatili ng Typhoon Egay ang lakas nito habang nasa kagaratan pa rin ng Cagayan Batay sa 8am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ng lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 240 km/h. Kumikilos pa rin… Continue reading Bagyong Egay, napanatili ang lakas habang nasa karagatan ng Cagayan

Ilang transmission lines sa Luzon, apektado ng bagyong Egay

Nadagdagan pa ang mga lalawigang nawalan na ng suplay ng kuryente dahil sa bagyong Egay. Sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), as of 7am, apektado na ngayon ang ilang transmission facilities nito sa Aurora, Abra, Cagayan, Benguet, at Nueva Ecija dahil sa epekto ng kalamidad. Kabilang sa mga naapektuhang pasilidad ay… Continue reading Ilang transmission lines sa Luzon, apektado ng bagyong Egay

Taas-singil sa buwis sa sasakyan, lusot na sa komite, isang araw matapos hilingin ni PBBM sa kanyang SONA

Isang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA), ay agad tinalakay at inaprubahan ng House Ways and Means Committee ang isa sa mga panukala na hiniling ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso na ipasa. Lusot na sa komite ang panukalang itaas ang Motor Vehicle User’s Charge (MVUC), o buwis na sinisingil… Continue reading Taas-singil sa buwis sa sasakyan, lusot na sa komite, isang araw matapos hilingin ni PBBM sa kanyang SONA

Higit 150,000 indibdiwal, apektado ng habagat at bagyong Egay — DSWD

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa 154,000 na mga indibidwal na naapektuhan ng habagat at bagyong Egay. Ayon sa DSWD, katumbas ito ng 38,991 na pamilya mula sa Regions I, II, III, CALABARZON MIMAROPA, VI, VIl, at XII. Batay pa sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information… Continue reading Higit 150,000 indibdiwal, apektado ng habagat at bagyong Egay — DSWD

BFP, tumulong sa paglikas ng mga binahang residente sa Bacolod

Nakatutok na rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga ikinakasang rescue operations sa gitna ng pananalasa ng habagat at bagyong Egay sa bansa. Sa Bacolod City, agad na inactivate ng Bacolod City Fire Station ang “OPLAN PAGHALASA,” o ang emergency evacuation plan nito para sa mga binabahang lugar. Tumulong ito para mailikas ang… Continue reading BFP, tumulong sa paglikas ng mga binahang residente sa Bacolod

Bagyong Egay, nag-landfall sa Cagayan; maraming lugar, nakataas pa rin sa Signal No. 4

Tumama na sa kalupaan ang sentro ng bagyong Egay. Ayon sa PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Fuga Island, Aparri, Cagayan kaninang alas-3:10 ng madaling araw. Sa 5am weather forecast ng weather bureau, huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175km/h at… Continue reading Bagyong Egay, nag-landfall sa Cagayan; maraming lugar, nakataas pa rin sa Signal No. 4

Waste-to-energy Bill, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Nasponsoran na sa plenaryo ng Senado ang Waste-to-energy Bill o ang Senate Bill 2267 Layon ng panukala na magkaroon ng bagong energy sources habang napapangasiwaan ang solid waste sa bansa. Ayon kay Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo, titiyakin ng panukala na aangkop ang bansa sa mga umiiral at made-develop pang waste-to-energy technology.… Continue reading Waste-to-energy Bill, naipresenta na sa plenaryo ng Senado