Sen. Imee Marcos: Depinisyon ng mga maituturing na employed sa bansa, dapat ayusin

Iginiit ni Senador Imee Marcos na tama naman ang datos na ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang state of the nation address (SONA) nitong Lunes, na 95.7 percent na ang employment rate sa Pilipinas. Gayunpaman, ayon kay Senador Imee, kwestiyunable para sa kanya ang depinisyon ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa employment.… Continue reading Sen. Imee Marcos: Depinisyon ng mga maituturing na employed sa bansa, dapat ayusin

Publiko, binalaan ng isang senador vs. registered SIM for sale

Pinaalalahanan at binalaan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang publiko tungkol sa bentahan ng mga rehistradong SIM (subscriber identity module) ngayong tapos na ang deadline ng pagpaparehistro ng mga SIM. Dahil sisimulan nang i-deactivate ang mga hindi rehistradong SIM, ibinahagi ni Revilla ang bagong modus ng mga online scammer na bumili ng mga rehistradong… Continue reading Publiko, binalaan ng isang senador vs. registered SIM for sale

Philippine Coast Guard, tumulong na rin sa pamamahagi ng relief goods sa Northern Luzon

Tumulong na rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa disaster relief operations ng pamahalaan partikular na sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Egay. Ito ay sa pamamagitan ng repacking at unloading ng mga relief supply na ihahatid sa mga apektado ng bagyo sa Lalawigan ng La Union at iba pang… Continue reading Philippine Coast Guard, tumulong na rin sa pamamahagi ng relief goods sa Northern Luzon

Tatak Pinoy bill na isa sa SONA priority measure, inihain na sa Kamara

Photo courtesy of House of Representatives

Dalawang mambabatas ang mabilis na tumugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang Tatak Pinoy Bill. Matatandaan na isa ang naturang panukala sa 17 priority measures na binanggit ni Pangulong Marcos Jr. sa kaniyang ikalawang SONA. Sa ilalim ng House Bill 8525 ni Marikina Representative Stella Quimbo at House Bill 8601… Continue reading Tatak Pinoy bill na isa sa SONA priority measure, inihain na sa Kamara

Paglalaan ng mas mataas na pondo sa calamity funds, napapanahon na – Sen. Imee Marcos

Sa gitna ng naiwang pinsala ng bagyong Egay sa bansa, iginiit ni Senador Imee Marcos na dapat paglaanan na ng mas mataas na pondo ang calamity fund ng mga lokal na pamahalaan at ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ito ang nais isulong ng mambabatas sa nalalapit na deliberasyon ng Kongreso sa panukalang 2024 national… Continue reading Paglalaan ng mas mataas na pondo sa calamity funds, napapanahon na – Sen. Imee Marcos

Kamara, suportado ang planong pagbibigay amnestiya sa mga rebeldeng magbabalik loob sa gobyerno

Suportado ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan ang plano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na bigyan ng amnestiya ang mga rebeldeng magbabalik-loob sa gobyerno. Matatandaan na sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. ay sinabi nito na maglalabas siya ng isang proklamasyon para sa pagbibigay… Continue reading Kamara, suportado ang planong pagbibigay amnestiya sa mga rebeldeng magbabalik loob sa gobyerno

Progress Rate ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project, aabot na sa 88%

Aabot na sa 88 percent ang progress rate ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 Cavite Extension Phase 1 Project sa first half ng 2023, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC). Ayon kay LRMC President and CEO Juan F. Alfonso, kumpleto na ang design works sa mga itinatayong istasyon pati na rin ang procurement… Continue reading Progress Rate ng Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project, aabot na sa 88%

Biyahe ng PNR mula Ligao sa Albay patungong Naga sa Camarines Sur at pabalik, muling aarangkada sa Hulyo 31

Muling bubuksan ng Philippine National Railways (PNR) ang biyahe ng tren sa rutang Naga-Ligao sa darating na Lunes, Hulyo 31. Ayon sa pamununan ng PNR, pansamantalang magkakaroon ng dalawang biyahe ng tren kada araw na babagtas sa 67 kilometrong haba ng riles sa nabanggit na ruta. Ganap na alas-5:30 ng umaga aalis ang unang biyahe… Continue reading Biyahe ng PNR mula Ligao sa Albay patungong Naga sa Camarines Sur at pabalik, muling aarangkada sa Hulyo 31

Pasay LGU, magsasagawa ng Barangay Labor Desk Job Fair sa Sabado

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang Barangay Labor Desk Job Fair sa darating na Sabado, July 29 na gaganapin sa President Corazon Aquino National High School sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City. Ang nasabing job fair ay magsisimula mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Aabot sa kabuuang 1,468 na mga bakanteng… Continue reading Pasay LGU, magsasagawa ng Barangay Labor Desk Job Fair sa Sabado

Mga hakbang ng Bureau of Customs para labanan ang smuggling, inilatag

Nangako ang Bureau of Customs (BOC) na kanila pang palalakasin ang mga hakbang upang mapanagot sa batas ang mga mapatutunayang sangkot sa smuggling. Ito ang tinuran ng BOC sa kanilang opisyal na pahayag kasabay na rin ng paglalatag nito ng kanilang mga hakbang upang masupil ang problema. Tugon ito ng Customs, bilang pagsuporta na rin… Continue reading Mga hakbang ng Bureau of Customs para labanan ang smuggling, inilatag