Sen. Cayetano, nanawagan sa mga kapwa senador na makipag-usap muna kay PBBM bago gumawa ng agresibong aksyon sa West Philippine Sea

Nanindigan si Senador Alan Peter Cayetano na dapat munang ipagpaliban ng Senado ang pagpapasa ng resolusyon na hihiling na iakyat sa United Nations General Assembly (UNGA) ang aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) habang hindi pa nalalaman ang diskarte ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa WPS. Ito ang paliwanag ni Cayetano sa… Continue reading Sen. Cayetano, nanawagan sa mga kapwa senador na makipag-usap muna kay PBBM bago gumawa ng agresibong aksyon sa West Philippine Sea

Senado, pinag-aaralan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagtaob ng motorbanca sa Laguna de Bay

Kinokonsidera na ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa motorbanca ng tumaob sa Laguna Lake at ikinasawi ng higit 20 katao. Partikular na sisilipin ng Senado ang pagpapahintulot ng Philippine Coast Guard na maglayag ang motorbanca ilang oras matapos lumabas sa Philippine Area of Responsibiliity (PAR) ang bagyong Egay. Sinabi… Continue reading Senado, pinag-aaralan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagtaob ng motorbanca sa Laguna de Bay

GSIS, tumitingin na ng investment sa agricultural mechanization upang mapalakas ang food security sa bansa

Tinitignan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang posibilidad na mag-invest sa agricultural mechanization upang mapalakas ang produksyon ng pagkain sa bansa. Ito ay matapos mangyari ang pagpupulong sa pagitan nina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at GSIS President and General Manager Wick Veloso kung saan tinalakay nila ang posibleng pag-invest upang maabot ang layunin… Continue reading GSIS, tumitingin na ng investment sa agricultural mechanization upang mapalakas ang food security sa bansa

Emergency System Maintenance ng Landbank, natapos na

Nakabalik na sa normal ngayong gabi ang sistema ng Landbank of the Philippines. Ito’y dahil sa natapos na isinagawang Emergency System Maintenance ng naturang bangko na nagsimula kaninang umaga. Ayon sa Landbank, maaari na muling magsagawa ng transaksyon sa kanila gamit ang Automated Teller Machine o ATM, digital banking at customer channels nito Kaninang hanggang… Continue reading Emergency System Maintenance ng Landbank, natapos na

Party-list solon, hinimok ang pribadong sektor na makibahagi sa pagbuhay ng Bicol Express

Nanawagan si Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan sa mga pribadong kompanya sa bansa na tumulong at pondohan ang planong pagbuhay sa ‘Bicol Express’ o PNR South Long Haul Project. Matatandaan na sa nakaraang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay itinulak nito ang pagpapalakas sa kolaborasyon ng gobyerno at pribadong sektor upang mapabilis… Continue reading Party-list solon, hinimok ang pribadong sektor na makibahagi sa pagbuhay ng Bicol Express

Mga operator at kapitan ng mga sasakyang pandagat na nasasangkot sa aksidente, malaki ang pananagutan—PCG  

Muling ipinaalala ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga may-ari o operator gayundin sa mga kapitan ng sasakyang pandagat ang kanilang malaking pananagutan sa mga pasahero. Ito ang inihayag ni Coast Guard Commandant, Adm. Artemio Abu kasunod ng pagkakasawi ng may dalawampu’t anim na pasahero matapos tumaob motorbanca MBCA Princess Aya Express sa Laguna… Continue reading Mga operator at kapitan ng mga sasakyang pandagat na nasasangkot sa aksidente, malaki ang pananagutan—PCG  

Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa, sinimulan na ngayong araw

Inumpisahan na ngayong araw ang Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa sa Marikina Sports Center. Ayon sa Department of Education, maglalaban-laban ang mga delegasyon sa tatlong Larong Pinoy kabilang dito ang Kadang-Kadang, Patintero, at Tumbang Preso. Bago ang patimpalak ay pinangunahan ng mga mag-aaral sa Marikina Science High School ang isang Zumba warm-up para sa… Continue reading Larong Pinoy ng 2023 Palarong Pambansa, sinimulan na ngayong araw

Pagpapatupad ng EO-18 na nagtatakda ng ‘green lanes for strategic investments,’ suportado ng BOC

Suportado ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpapatupad ng Executive Order 18 na nag-aatas sa pagtatatag Green Lanes para sa pagtataguyod ng istratehikong pamumuhunan. Pahayag ito ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio nang dumalo ito sa launching at covenant signing ng EO sa Pasay City kamakailan. Dahil dito, sinabi ni Rubio na sa pamamagitan nito ay… Continue reading Pagpapatupad ng EO-18 na nagtatakda ng ‘green lanes for strategic investments,’ suportado ng BOC

355 na indibidwal, hired-on-the spot sa Mega Job Fair sa Caloocan

Umabot sa 779 na mga aplikante ang lumahok sa Mega Job Fair ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan sa Bulwagang Katipunan. Ayon sa Caloocan Public Employment Service Office o PESO, sa mahigit 700 na mga job seeker nasa 355 ang hired-on-the spot. Nasa 57 mga kumpanya naman ang lumahok alok ang iba’t ibang trabaho gaya… Continue reading 355 na indibidwal, hired-on-the spot sa Mega Job Fair sa Caloocan

Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P62 milyon—DA

Pumalo na sa P62 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor agrikultura na dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay, ayon sa Department of Agriculture. Batay sa pinakahuling datos ng DA Regional Field Offices sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, at Caraga, mahigit 3,000 na mga magsasaka ang naapektuhan kung saan mahigit 2,000 metriko… Continue reading Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong Egay, umabot na sa P62 milyon—DA