Nakatakdang ilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig ang City-Wide Land Information Management and Automation (CLiMA) bukas.
Layon ng proyekto na mapabilis ang mga proseso sa lokal na pamahalaan, partikular na mga regulatory office nito sa pamamagitan ng pagbibigay nang maayos na frontline service.
Inaasahan na sa tulong ng CLiMA mas mapapabilis nito ang pagproseso sa evaluation, approval, at issuance ng permits, tax assessment, at real property taxation ng city government.
Ang paglulunsad ng naturang proyekto ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-450 Anibersaryo ng Pasig.
Bukod dito ay dalawa pang aktibidad ang ilulunsad ng Pasig LGU ngayong linggo na nakatutok sa healthcare services at paglalapit ng mga serbisyo ng lungsod sa publiko.| ulat ni Diane Lear