COMELEC, ‘di apektado ng sunog sa Palacio del Gubernardor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy ang trabaho sa mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa bahagi ng Cabildo street sa Intramuros, Maynila ngayong araw.

Ito ay matapos sumiklab ang sunog sa Palacio del Gobernador kung saan matatagpuan ang tanggapan ng COMELEC sa Intramuros, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department, sumiklab ang sunog dakong alas-12:32 ngayong hapon at agad namang narespondehan ng mga tauhan ng Palacio del Gubernador na agad ding naagapan.

Sumiklab ang apoy sa ika-6 na palapag ng nabanggit na gusali na inookupahan naman ng Bureau of Treasury.

Kasunod nito, sinabi ng COMELEC na para bigyang daan ang imbestigasyon ay suspendido ang trabaho sa mga tanggapan sa Palacio del Gubernador at magpapatuloy bukas.

Pagtitiyak naman ng COMELEC, walang mga dokumento o tanggapan nila ang naapektuhan ng sunog partikular na iyong mga may kinalaman sa paghahanda para sa Barangay at SK Elections. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us