Cybercrime incidents sa NCR, tumaas ng 152%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na tumaas ng 152 porsyento ang insidente ng Cybercrime sa National Capital Region (NCR) sa unang bahagi ng taon kumpara sa nakalipas na taon.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni ACG Director Police Brig. General Sydney Sultan Hernia na nakapagtala sila ng 6,250 insidente ng cybercrime sa NCR mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Malaking pagtaas aniya ito kumpara sa 2,477 insidente sa kahalintulad na panahon noong 2022.

Dahil dito, sinabi ni BGen. Hernia na patuloy ang ACG sa kanilang awareness campaign kontra sa mga online scam.

Aniya, mahalagang malaman ng taong bayan ang mga paraan ng mga scammer upang maiwasang maging biktima.

Habang sa panig naman ng pulisya, tiniyak ni Gen. Hernia na patuloy ang pagsasanay ng PNP personnel at ang pagsisikap ng PNP na makasabay sa pinakahuling mga “development” sa larangan ng teknolohiya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us