Pinirmahan na ng lungsod ng Toledo at ng representante mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang isang memorandum of agreement (MOA) para sa pagpatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Si DHSUD Assistant Sec. Leah Delfinado kasama ang kanyang Central Visayas regional director na si Atty. Lyndon Juntilla at Toledo City Mayor Joie Perales pumirma sa naturang kasunduan.
Isang 4-storey tenement-type building ang layon na ipatayo sa lungsod.
Binunyag ni DHSUD-7 RD Juntilla na ang housing project na ito ay isa sa kanilang prayoridad na maipatayo.
Layon ng 4PH program na maipatayo ang isang milyong housing units kada taon hanggang sa taon 2028 upang magkaroon ng pagkakataon na magmay-ari ng kanilang sariling bahay hindi lamang ang mga mahihirap kundi kasali na din ang mga nagtatrabaho na mga kawani ng gobyerno at pribadong kompanya.| ulat ni Carmel Matus| RP1 Cebu