Tuloy-tuloy ang reach out operation ng Department of Social Welfare and Development sa mga street dweller sa Metro Manila sa gitna ng mga pag ulan.
Sa ilalim ng Oplan Pag-Abot ng DSWD, kasama sa aktwal na operasyon ang kinatawan ng Commission on Human Rights, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine Statistics Authority.
Kasama sa proseso ang pagkuha ng impormasyon at biometrics ng street dwellers gayundin ang assessment sa kanilang pangangailangan sa mga itinalagang centers sa National Capital Region .
Ang operasyon ng DSWD ay isinasagawa sa tulong ng local government units sa Metro Manila.
Ang ‘OplanPag-Abot’ na proyekto ng DSWD ay inilunsad na naglalayong sagipin ang mga taong naninirahan at nananatili sa lansangan para mabigyan ng mga kinakailangang interbensyon. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD