Itinaas na sa tropical cyclone wind signal no. 5 ang eastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Island) dahil sa Super Typhoon Egay.
Ayon ito sa ulat ng PAGASA kaninang alas-2 ng hapon.
Asahan na makakaranas ng malalakas na pag-ulan sa mga apektadong lalawigan.
Huling namataan ang sentro ng bagyong Egay sa layong 230km East North east ng Tuguegarao City Cagayan o 240 km East ng Appari Cagayan.
Gumagalaw ito pahilagang kanluran sa bilis na 20 km kada oras.
Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 185 km kada oras at bugso na 230 km kada oras.
Nakataas naman ang signal no. 4 sa north eastern portion ng mainland Cagayan (Sta at Gonzaga) at iba pang lugar sa Babuyan Islands.
Kasama naman sa signal no. 1 ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite Laguna at Batangas at iba pang lugar sa Northern Luzon, Southern Luzon at Central Lugar. | ulat ni Rey Ferrer