Ilang commuter, di pabor sa pagtataas ng pamasahe sa MRT-3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pabor ang ilang pasahero ng MRT-3 sa muling inihihirit na fare hike o taas pasahe sa Metro Manila Transit Line 3 (MRT-3).

Kasunod yan ng bagong petisyon ng pamunuan ng MRT-3 kung saan nasa ₱2.29 ang dagdag sa boarding fare, habang ₱0.21 naman sa kada kilometro.

Sakaling maaprubahan, magiging ₱16 na ang minimum fare mula North Avenue papuntang Quezon Avenue Station habang ang end-to-end na biyahe mula North Avenue hanggang Taft Station ay magiging ₱34 mula ₱28.

Aminado ang ilang commuter na nakapanayam ng RP1 team na mahirap para sa kanila ang taas-pasahe lalo na at tuloy-tuloy din ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ayon nga kay Mang Sherwin na minimum wage earner, mabigat kung pagsasamahin sa isang buwan ang ₱3 hanggang ₱5 dagdag sa pasahe.

Sa kabila nito, wala naman daw silang magagawa kung pagbibigyan ito kaya didiskarte na lang sa pagtitipid sa ibang bagay.

Una nang sinabi ng DOTr na malaki ang posibilidad na maaprubahan ang petisyon ng MRT-3 dahil sunod-sunod na rin naman ang pagsasaayos at rehabilitasyon sa railways at wala ring pagbabago sa pasahe sa tren sa nakalipas na walong taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us