Isang 24 anyos na binata, arestado sa salang pagpatay sa Matnog Sorsogon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli ang isang binata sa Matnog Sorsogon sa salang pagpatay sa kapwa nyang magsasaka ng niyog sa Purok 3, Brgy. Cabagahan, Matnog Sorsogon noong Hulyo 28. Alitan sa lupa ang nakikitang motibo ng insidente.

Ang biktima ay kinilalang si Timoteo Esquillo y Galeria, may asawa, magsasaka ng niyog sa nabanggit na lugar.

Samanatala, ang suspek ay kinilalang si Zaldy Garalde y Gabelo, 24 taong gulang, walang asawa, isang magsasaka din ng niyog at nakatira sa parehong lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa tungkol sa lupang sinasaka ng suspek. Kasunod nito ay binaril ni Garalde si Esquillo gamit ang .38 na kalibre at pinagtataga ito sa iba’t ibang parte ng katawan na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nakuha mula kay Garalde ang .38 na kalibre ng baril kasama ang 2 cartridge cases at isang bolo.

Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Matnog Municipal Police Station (MPS) para sa wastong disposisyon.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us