Isang karnaper, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Pagadian City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ang nasawing suspek na si John Rick Latayada Orandoy, 22 anyos at residente ng Leon Kilat, Brgy. Santiago, Pagadian City.

Nabatid na bago ang nangyaring barilan, isang Ramel Taug Mucaram na taga-Lower Campo Islam sa bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur, ang dumulog sa Pagadian City Police Station at nagreklamong tinutukan siya ng baril ng isang lalaki habang umihi sa Broca Street, Santa Maria District ng lungsod at tinangay ang mga gamit at ang kanyang XRM na may plaka numero JA-61762.

Nagsagawa kaagad ng checkpoint operation ang Pagadian City police sa entry at exit points ng lunsod.

Ilang oras ang nakalipas, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa nagsasagawa ng checkpoint operation na may nangyaring barilan sa Barangay Kawit matapos manlaban ang pinaghihinalaang karnaper na lulan sa motorsiklong tinangay ng isang suspek.

Ayon sa mga pulis, nang sinita nila ang suspek, bigla itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga tropa na nasa checkpoint.

Gumanti naman ang mga pulis at tinamaan sa kanyang dibdib ang ‘di pa kilalang suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang isang kalibre 45, limang basyo ng bala, dalawang cartridge ng 9mm, isang itim na sling bag na may lamang pera, isang cellphone, at PhilHealth ID card ni Ramel Taug Mucaram na siyang nagreklamo sa himpilan ng pulisya.

Dinala ng mga pulis sa Aisah Medical Hospital ang suspek, subalit idineklara ito ng doktor na “dead on arrival.”| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us