Umabot na 12,000 indibidwal ang nagpa-schedule ng appointment upang ma-asses ng Marawi Compensation Board (MCB) at makakuha ng structural o death claims
Ito ang ibinahagi ni MCB Chairperson Atty. Maisara Damdamun-Latiph sa unang pulong ng Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation, ngayong araw.
Aniya, ang bilang na ito ay naka-schedule hanggang Marso na ng 2024.
Pagbabahagi pa nito, na mula nang buksan ang application para sa pagkuha ng kompensasyon noong July 4 hanggang July 27 ay umabot agad sa 3,323 ang nagpa-book para sa assessment.
Sa bilang na ito, 2,283 na ang sumailalim sa screening.
Mayroon naman aniyang 264 na for temporary docket o may kulang na dokumento.
Habang nasa 2,073 na ang for permanent docket o dedesisyunan na ng MCB kung gagawaran ng kabayaran.
Batay sa implementing rules and regulation (IRR) ng panukala, makakakuha ng P18,000 per square meter per story ang isang indibidwal na totally damage ang property na gawa sa concrete.
Nasa P13,500 naman kung ito ay mix o halong concrete at kahoy; at P9,000 para sa purong wood o kahoy ang yari.
Ang death claims naman ay aabot ng P350,000 para sa mga namatay o nawala sa kasagsagan ng Marawi siege noong May 23, 2017 hanggang October 17, 2023. | ulat ni Kathleen Forbes