Naglabas na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pakikipag-ugnyan sa Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng abiso sa mga commuter at mga motorista, na magkakaroon ng pagbabago sa vehicle lane assignments sa northbound ng C5 Road mula sa SLEX down ramp hanggang makarating ng Centennial Village.
Ito ay kasunod ng nangyaring landslide incident sa C5 Road sa Sitio Maliwanag sa Barangay Western Bicutan.
Sa nasabing advisory, nakatalaga sa mga truck ang innermost lane, habang ang middle at outermost lanes naman ay para sa mga light vehicles. Mananatili namang sarado ang bike lane sa bahaging ito ng northbound ng C5 Road.
Inaabisuhan rin ang mga motorista at komyuter na maaaring magdulot ng traffic build up ang nasabing lane adjustments at hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga ito na pagplanuhan ang kanilang magiging biyahe. | ulat ni Gab Villegas