Mobilization Exercise, matagumpay na nakumpleto ng Naval Forces Northern Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nakumpleto ng Naval Forces Northern Luzon ang kanilang apat na araw na Mobilization Exercise (MOBEX) 2023, na isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 2.

Ang closing ceremony sa Naval Station Ernesto Ogbinar in San Fernando, La Union nitong Linggo ay pinangunahan ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. Gen. Fernyl Buca bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Lt. Gen. Buca ang lahat ng nakilahok na mga reservist, na nagpamalas ng kanilang kahandaan na tumulong sa depensa at seguridad ng bansa.

Pinuri din ni Gen. Buca ang mobilization plan ng Philippine Navy bilang testamento ng kakayahan ng mga regular na tropa at mga reservist, na maging bahagi ng isang pwersa na handang tumugon sa mga emergency at sakuna.

Ang Mobilization exercise ay kinatampukan ng mga “at-sea event” sa karagatan ng Sual, Pangasinan; “ground events” sa Santa Ana, Cagayan, at Ilocos Norte; at Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) event, na pinangunahan ng Naval Task Force 11 Sagip. | ulat ni Leo Sarne

📷: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us