Nasa 8,000 pulis at sundalo, ipakakalat para sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang nasa 7,000 hanggang 8,000 pulis at iba pang pwersa ng pamahalaan ang magtutulong-tulong sa pagtitiyak ng seguridad para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Police Brigadier General Nicolas Torre III, na makakatuwang ng Philippine National Police (PNP) sa hakbang na ito ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang law enforcement agencies.

Samantala, posible aniyang ngayong araw o sa mga susunod na linggo magsumite na ng aplikasyon para sa permit to rally ang mga grupong binabalak magsagawa ng kilos protesta kasabay ng SONA.

Ayon sa opisyal, ang pagra-rally ay isang karapatan na ginagarantiya ng batas.

Iniri-respeto aniya nila ito.

Gayunpaman, ang Commonwealth Avenue na karaniwang pinagdarausan ng protesta tuwing SONA ay hindi isang freedom park, kaya’t kailangang makakuha muna ng permit to rally bago mapayagang magprotesta ang mga ito.

Pagtitiyak ng opisyal, anuman ang mangyari handa ang kanilang hanay sa pagtiyak ng seguridad ng mga makikibahagi sa loob at labas ng Batasang Pambansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us