NCRPO, patuloy na naghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na naghahanda ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa July 24.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., may mga nakahanda na silang security plans at palagi itong isinasailalim sa review upang masigurong magiging maayos ang nasabing aktibidad

Kaugnay nito, magpapakalat rin ang NCRPO ng tinatayang nasa 22,000 tauhan na ipapapakalat sa mga lugar na dadaanan ng Pangulo, kabilang na ang Batasang Pambansa.

Makikipag-ugnayan rin ang NCRPO sa mga militanteng grupo, upang matiyak ang kaayusan sa araw ng SONA ni Pangulong Marcos.  | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us