NEDA, tiniyak sa foreign investors na patuloy na isusulong ang mga hakbang para sa paglago ng ekonomiya ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng National Economic and Development Authority o NEDA sa mga Canadian investor na patuloy na isusulong ng pamahalaan ang mga programa at proyekto para sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Layon nitong maipagpatuloy at mapabuti ang investment climate sa Pilipinas at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa negosyo at mga investor sa buong mundo.

Sa ginanap sa Philippine Economic Briefing sa Toronto, Canada, ibinahagi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa mga Canadian investor ang kasalukuyang economic policies at strategies ng pamahalaan upang makahikayat ng mga potential investor at maging development partner ng bansa.

Ayon kay Balisacan, target ng pamahalaan na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6 hanggang 7 percent ngayong taon, dahil dito inaasahan na mapapababa ang poverty rate sa bansa.

Matatandaang inilunsad din ng Marcos administration noong nakaraang linggo ang ‘green lanes’ para sa mga foreign investor na magpapabilis at magpapadali ng pagsisimula ng pagnenegosyo sa Pilipinas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us