Patuloy pinapaigting ng Iligan City Police Office (ICPO) ang pag-implementa ng Anti-Criminality Law Enforcement Operations sa lungsod ng Iligan.
Pinangunahan ni Acting City Director ng ICPO PCol Reinante B Delos Santos ang iba’t-ibang kampanya tulad ng Against Wanted Persons, Anti-Illegal Drugs, Against Illegal Gambling, Against Loose Firearms, at iba pang operasyon ng mga kapulisan sa nasabing lungsod.
Ayon sa datos ng ICPO mula July 17 hanggang 23, 2023, arestado ang walong (8) suspek kaugnay sa kampanyang laban sa mga wanted persons.
Samantala, labing-apat (14) na katao ang naaresto kaugnay sa kontra iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit ₱65,000.00 na tinatayang halaga ng shabu na nasa mahigit 9.6 na gramo sa loob ng sampung isinagawang anti-illegal drugs operations sa pamamagitan ng Buy-bust at Warrant of Arrest.
Arestado naman ang limang (5) indibidwal sa isinagawang tatlong (3) operasyon patungkol sa Illegal Gambling.
Bukod doon, dalawa (2) naman ang naaresto matapos makuhanan ng .38 kalibre at isang (1) 9mm na mga armas kaugnay sa kampanyang Against Loose Firearms.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Iligan kay Acting City Director ng ICPO PCol Reinante B Delos Santos, sinabi niyang walang tigil ang mga kapulisan sa Iligan City sa pagbibigay ng serbisyo at buo ang suporta nito sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga at kriminalidad upang maibsan ang krimen at karahasan nang mapanatiling ligtas at mapayapa ang lungsod ng Iligan.| ulat ni Sharif Timhar H. Habib Majid| RP1 Iligan