Welcome sa Philippine National Police ang desisyon ng pamahalaan ng Valenzuela City na ipagbawal ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa lungsod.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan, ang lokal na pamahalaan ang nakakaalam kung ano ang mas makabubuti sa kanilang nasasakupan.
Ito’y kasunod ng pagpasa ng ordinansa sa naturang lungsod laban sa operasyon ng mga POGO.
Kasunod nito, sinabi ni Maranan na patuloy lang ang PNP sa pagtupad ng kanilang mandato na hulihin, kasuhan at ikulong ang mga nasa likod ng POGO na sangkot sa katiwalian.
Nabatid na ilan nang mga POGO sa bansa ang naiuugnay sa iba’t ibang krimen gaya ng human trafficking. | ulat ni Leo Sarne