PBBM, pinuri ni SDS Gonzales sa pagtutok sa pagtugon sa isyu ng pabahay sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Representative Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr. ang hangarin ng Marcos Jr. administration na tugunan ang isyu ng pabahay.

Kasunod ito ng groundbreaking at site inspection ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Project sa Barangay del Carmen, San Fernando, Pampanga.

Pinasalamatan ni Gonzales si PBBM na isa ang lalawigan ng Pampanga sa mga napiling site ng 4PH program.

Dahil dito, mas nalalapit na aniya ang katuparan ng pangarap ng bawat Pilipino na magkaroon ng ligtas, disente at abot kayang pabahay.

Patunay lamang din aniya ito sa pangako ni Pangulong Marcos Jr. na tugunan ang backlog ng pabahay sa bansa para sa kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino.

Nasa 27 housing buildings ang nakatakdang itayo sa 9.8 na ektarya ng lupain.

Tinatayang 8,000 housing units ang bubuksan dito para sa may higit 10,000 pamilya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us