PNP, nagpasalamat sa tulong ng Bangsamoro Gov’t para sa agarang ikatutugis ni dating Maimbung Vice Mayor Mudjasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang tulong at suportang ibibigay sa kanila ng Bangsamoro Government para sa mabilis na ikatutugis ni dating Maimbung, Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan.

Ito ay ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. kasunod ng nagpapatuloy na manhunt operations ng pulisya, makaraang makatakas ito matapos ang pakikipag-engkwentro sa mga magsisilbi sana ng Mandamiyento de Aresto laban sa kaniya.

Magugunitang nagpahayag ng kanilang kahandaan si Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim para tumulong sa PNP upang maihatid sa kamay ng batas si Mudjasan.

Ayon kay Acorda, nagpapasalamat sila sa tulong ng Bangsamoro lalo’t iniiwasan aniya nilang lumala pa ang sitwasyon at madamay pa ang mga inosente. Una rito, ibinunyag ni Acorda na may natatanggap silang ulat na nag-iingat ng matataas na kalibre ng armas ang mga tuahan ni Mudjasan kaya’t itinuturing nila itong mapanganib. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us