Nagpatulong ang PNP sa Moro National Liberation Front (MNLF) para maaresto si dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, nahihirapan ang PNP na mahuli si Mudjasan dahil kabisado nito ang lokalidad at kinakanlong umano ng ilang teroristang grupo.
Sinabi ni Fajardo na baka sakaling mapakiusapan ng MNLF na kusang sumuko na si Mudjasan.
Paliwanag ni Fajardo, 30 hanggang 40 ang armadong tauhan ni Mudjasan kaya pinaghahandaan aniyang mabuti ng PNP sa tulong ng AFP ang paglusob dito.
Matatandaang Hunyo 24 nang unang maganap ang matinding bakbakan sa Maimbung, Sulu sa pagitan ng armadong grupo ni Mudjasan at mga tropa ng PNP at AFP na nagtangkang magsibli ng arrest at search warrant. | ulat ni Leo Sarne