BSP, nagbabala sa publiko hinggil sa mga patibong na website ng mga scammer

Nagbabala ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP hinggil sa mga website na ginagamit namang patibong ng mga kawatan para makapanloko. Ayon sa BSP, dapat mag-ingat sa mga website na nagpapanggap na galing umano sa mga financial institutions tulad ng bangko para makahingi ng mga personal na impormasyon ng isang indibidwal. Iwasan din ang… Continue reading BSP, nagbabala sa publiko hinggil sa mga patibong na website ng mga scammer

Tara, Basa! Tutoring program, magkatuwang na inilunsad ng DSWD at DEPED

Inilunsad na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Department of Education (DepEd), ang reformatted educational assistance na Tara, Basa! Tutoring Program. Pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang paglulunsad ng programa sa Rizal High School sa Pasig City. Sa ilalim ng… Continue reading Tara, Basa! Tutoring program, magkatuwang na inilunsad ng DSWD at DEPED

Panukalang pambansang pondo para sa 2024, pormal nang tinanggap ng Kamara

Pormal nang naisumite ng Department of Budget and Management ang P5.768 trillion 2024 National Expenditure Program sa House of Representatives. Ang budget para sa susunod na taon ay 9.5% na mas mataas kumpara sa kasalukuyang 2023 General Appropriations Act. Katumbas naman ito ng 21.7% ng Gross Domestic Product ng bansa. 37.9% ng budget ay inilaan… Continue reading Panukalang pambansang pondo para sa 2024, pormal nang tinanggap ng Kamara

San Juan City LGU, nagbigay ng tulong pinansyal sa lalawigan ng Ilocos Norte na lubhang napinsala ng bagyong Egay

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na naghandog ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan ng tulong pinansyal sa lalawigan ng Ilocos Norte. Ang naturang lalawigan ay isa sa mga pinakanapinsala ng bagyong Egay at kasalukuyang isinailalim sa state of calamity. Ayon kay Zamora, nagbigay ang San Juan City LGU ng P1.5 milyon… Continue reading San Juan City LGU, nagbigay ng tulong pinansyal sa lalawigan ng Ilocos Norte na lubhang napinsala ng bagyong Egay

Mas mabigat na parusa laban sa pang-aabuso, exploitation ng mga bata, lusot na sa komite

Pinagtibay ng House Committee on Welfare of Children ang substitute bill na nagsusulong ng mas mabigat na parusa laban sa child abuse, exploitation at discrimination. Aamyendahan ng unnumbered substitute bill ang RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Habambuhay na pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P2… Continue reading Mas mabigat na parusa laban sa pang-aabuso, exploitation ng mga bata, lusot na sa komite

Pagtatatag ng Department of Corrections, isinusulong ng party-list solon

Isang panukalang batas ang nakatakdang ihain sa Kamara na layong magtatag ng isang Department of Corrections. Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Raymund Yamsuan, panahon nang magkaroon ng isang hiwalay na departamento na siyang magpapatupad ng reporma sa lahat ng corrections, jail at probation management system ng bansa. Sa paraang ito ay umaasa ang kinatawan… Continue reading Pagtatatag ng Department of Corrections, isinusulong ng party-list solon

LRTA, muling iginiit na mapupunta sa pagpapabuti ng serbisyo ang fare adjustment

Muling iginiit ng Light Rail Transit Authority o LRTA sa mga pasaherong tumatangkilik sa LRT Line 1 at 2 na mapupunta sa pagpapabuti ng serbisyo at pasilidad ang ipinatupad na fare increase simula ngayong araw. Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na sa naturang fare increase ay aabot sa P114 milyon ang makokolekta nito… Continue reading LRTA, muling iginiit na mapupunta sa pagpapabuti ng serbisyo ang fare adjustment

DBM, nakapaglabas na ng ₱8.4-B para sa mga nasalanta ng kalamidad

Sinimulan na ng Department of Budget and Management ang pagbibigay ng pondo para mabilis na matulungan ang mga nasalanta ng magkakasunod na kalamidad. Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, nasa P8. 4 bilyon na ang kanilang nailabas upang maibigay ang ayuda sa mga naapektuhan ng bagyong Egay, Falcon at habagat. Galing ang naturang pondo sa… Continue reading DBM, nakapaglabas na ng ₱8.4-B para sa mga nasalanta ng kalamidad

COMELEC, nangakong aaksyunan ang hiling na exemption sa election spending ban para sa Mayon relief ops

Nakakuha ng commitment si Albay Representative Joey Salceda, mula mismo kay Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia na agad aaksyunan ng poll body ang hiling nito na ma-exempt ang Mayon relief operations mula sa election spending ban. Kamakailan nang ilabas ng COMELEC ang resolusyon kung saan nakasaad ang election ban sa paggalaw ng mga… Continue reading COMELEC, nangakong aaksyunan ang hiling na exemption sa election spending ban para sa Mayon relief ops

NDRRMC, nagbabala sa possibleng pagguho ng lupa

Binalaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagguho ng lupa dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, ang patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat ay nagreresulta sa paglambot ng lupa sa ilang mga lugar. Aniya, delikado ang mga lugar sa… Continue reading NDRRMC, nagbabala sa possibleng pagguho ng lupa