NLEX Corp., binigyan na ng pahintulot ng Toll Regulatory Board para sa pagsingil ng NLEX-SLEX Connector Road simula bukas

Pinahintulutan na ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board ang paniningil ng NLEX Corporation sa Phase 1 ng NLEX-SLEX Connector Project mula Caloocan C3 hanggang España sa Maynila bukas August 8. Ayon sa DOTr ay matagal nang libreng napakinabangan ng ating mga motorista ang naturang toll road dahil ito’y binuksan sa publiko noong… Continue reading NLEX Corp., binigyan na ng pahintulot ng Toll Regulatory Board para sa pagsingil ng NLEX-SLEX Connector Road simula bukas

DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱300-M ayuda sa mga sinalanta ng Super Typhoon Egay

Sumampa pa sa ₱315-million ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng Habagat at Super Typhoon Egay. Kabilang sa nahatiran ng tulong ang mga apektadong residente mula sa higit 5,000 barangay sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VII, VIII, XI,… Continue reading DSWD, nakapaghatid na ng higit ₱300-M ayuda sa mga sinalanta ng Super Typhoon Egay

Iba’t ibang embahada, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas matapos ang panibagong insidente ng harrasment ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard

Mariing kinondena ng iba’t ibang embahada na nandito sa Pilipinas ang panibagong harassment ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal kamakailan. Sa inilabas na statement ng British Embassy sa Pilipinas, mariin nitong tinuligsa ang ginawang panghaharang at paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard habang naglalayag patungong Ayungin Shoal… Continue reading Iba’t ibang embahada, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas matapos ang panibagong insidente ng harrasment ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard

Presyo ng ilang school supplies sa QC, tumaas

Tumaas ang presyo ng ilang school supplies na ibinebenta dito sa Commonwealth Market, Quezon City, ilang linggo bago ang pasukan. Ayon kay Mang Alex, nagtitinda ng mga gamit pang-eskwela, malaki ang itinaas ng presyo ng notebook ngayon dahil sa mataas ang puhunan rin nito. Kung dati raw ay may mabibili pang ₱12 hanggang ₱15 na… Continue reading Presyo ng ilang school supplies sa QC, tumaas

‘Supersized’ budget para sa school-based feeding program para sa susunod na taon, pinuri ng isang mambabatas

Pinalakpakan ni Deputy Speaker Ralph Recto ang aniya’y “supersized’ budget na inilaan ng pamahalaan para sa school based feeding program ng Department of Education (DepEd) sa susunod na taon. Mula sa ₱5.68-billion ngayong 2023, magiging ₱11.7-billion pesos na ito sa 2024. Hiwalay pa aniya ito sa ₱4.1-billion pesos na Supplementary Feeding Program ng DSWD na… Continue reading ‘Supersized’ budget para sa school-based feeding program para sa susunod na taon, pinuri ng isang mambabatas

Kapakanan ng mga OFW, isusulong ng mga mambabatas sa ASEAN Parliamentaty Forum

Itutulak ni House Speaker Martin Romualdez ang mga usapin na nakakaapekto sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kaniyang pagdalo sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) na gaganapin sa Indonesia ngayong araw, August 7. Sa pagharap ng House leader sa Filipino community sa Jakarta, Indonesia, iginiit nito ang pagbibigay halaga ng Marcos Jr. administration sa kaligtasan,… Continue reading Kapakanan ng mga OFW, isusulong ng mga mambabatas sa ASEAN Parliamentaty Forum

Mga senador, hinikayat ang DFA na ipatupad ang mga nirekomenda nilang hakbang laban sa patuloy na aksyon ng China sa West Philippine Sea

Nanawagan ang mga senador sa Executive Branch na ipatupad na ang mga aksyon na nakasaad sa resolusyong  ipinagtibay ng Senado kaugnay ng patuloy na askyon ng China sa West Philipine Sea. Ito ay kasabay ng pagkondena sa insidente ng panghaharang at pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard na… Continue reading Mga senador, hinikayat ang DFA na ipatupad ang mga nirekomenda nilang hakbang laban sa patuloy na aksyon ng China sa West Philippine Sea

PNP, nag-donate ng ₱3-M halaga ng relief goods sa mga apektadong pulis, residente sa mga binagyong rehiyon

Aabot na sa ₱3-milyong piso ang halaga ng relief goods na naipagkaloob ng Philippine National Police (PNP) sa mga pulis at residente sa mga rehiyon na apektado ng nagdaang bagyo. Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda, ito ay sa pamamagitan ng kanilang “Adopt a region program”. Nagpasalamat naman si Gen. Acorda at si… Continue reading PNP, nag-donate ng ₱3-M halaga ng relief goods sa mga apektadong pulis, residente sa mga binagyong rehiyon

Nat’l Task Force for the West Philippine Sea, nakatutok sa huling insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard

Magsasagawa ng pulong-balitaan ang National Task Force for The West Philippine Sea ngayong hapon kaugnay ng huling insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea (WPS). Ang NTF-West Philippine Sea, na nilikha para itaguyod ang soberenya at interes ng bansa sa West Philippine Sea ay pinamumunuan ng National Security Adviser bilang chairman,… Continue reading Nat’l Task Force for the West Philippine Sea, nakatutok sa huling insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard