Mga LGU, hinimok ng DILG na maglagay ng VAW Desks sa mga barangay

Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa provincial, cities at municipalities na tiyakin na magkaroon ng Violence Against Women (VAW) Desk sa bawat barangay. Nilalayon nito na magkaroon ng epektibong pagtugon sa mga kaso ng Violence Against Women sa   grassroots level. Sinabi ni Abalos, kailangang magbigay ng… Continue reading Mga LGU, hinimok ng DILG na maglagay ng VAW Desks sa mga barangay

3 miyembro ng NPA sa Masbate, sumuko sa awtoridad

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang tatlong (3) miyembro ng New People’s Army (NPA) nitong hapon ng Agosto 8, sa Cataingan, Masbate. Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Regional Office 5, ang mga sumuko na ito ay dating kaanib ng ‘NPA in the Barrio’ sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson o mas kilala… Continue reading 3 miyembro ng NPA sa Masbate, sumuko sa awtoridad

Kampanya vs Child Labor, palalakasin pa ng DOLE

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kanila pang paiigtingin ang mga hakbang ng pamahalaan upang masawata ang Child Labor sa bansa. Ito ang inihayag ng DOLE makaraang aprubahan ng National Council Against Child Labor (NCACL) sa pamumuno ng DOLE ang Philippine Program Against Child Labor Strategic Framework. Batay sa inilabas na datos… Continue reading Kampanya vs Child Labor, palalakasin pa ng DOLE

Nangyaring pagbaha sa bahagi ng NLEX, iimbestigahan na rin ng Senado

Bubusisiin na rin ng Senado ang naranasang matinding pagbaha sa North Luzon Expressway (NLEX) sa may bahagi ng San Simon, Pampanga. Sa inihaing Senate Resolution 725 ni Senador Grace Poe, ipinaaalam ng senador kung ang pagbaha ay dahil sa bagyong Egay at habagat. Layunin ng imbestigasyon na maiwasan ang kaparehong insidente sa mga susunod na… Continue reading Nangyaring pagbaha sa bahagi ng NLEX, iimbestigahan na rin ng Senado

Sugatang Serpent Eagle na nasagip sa Zamboanga del Sur, dinala na sa Regional Wildlife Rescue Center ng DENR-9

Dinala na sa Regional Wildlife Rescue Center ng Department of Environment and Natural Resources Region-9 (DENR-9) sa bayan ng Tukuran ang isang sugatang serpent eagle na nasagip ng isang residente sa bayan ng Guipos sa lalawigan ng Zamboanga del Sur. Ayon kay Rosevirico Tan, tagapagsalita ng DENR-9, ang naturang agila ay nasagip kamakailan lamang sa… Continue reading Sugatang Serpent Eagle na nasagip sa Zamboanga del Sur, dinala na sa Regional Wildlife Rescue Center ng DENR-9

ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, itinalagang House Deputy Majority Leader

Bagong miyembro ng House Committee on Rules si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo. Sa sesyon ngayong hapon, August 9, ay nag-mosyon si House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos para sa nomination ng mga bagong miyembro ng naturang komite. Kabilang dito si Tulfo na itinalaga bilang Deputy Majority Leader. Matatandaan na noong nakalipas na linggo… Continue reading ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, itinalagang House Deputy Majority Leader

Mga saradong kalsada dulot ng bagyong Egay at Habagat, bumaba na sa 6 — DPWH

Puspusan ang ginagawang road clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na pinakamatinding naapektuhan ng nagdaang bagyong Egay gayundin ng habagat. Batay sa pinakahuling datos ng DPWH kaninang tanghali, bumaba na lamang sa anim ang mga kalsadang nananatili pa ring sarado sa daloy ng trapiko bunsod ng mga gumuhong… Continue reading Mga saradong kalsada dulot ng bagyong Egay at Habagat, bumaba na sa 6 — DPWH

Fake News, isa sa pinakamalaking kalaban ng kasundaluhan, ayon kay Defense Sec. Teodoro

Fake News ang isa sa pinakamalaking kalaban ng kasundaluhan ng Pilipinas sa kasalukuyan. Ito ang naging pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa kaniyang pagbisita sa 4th Marine Brigade ng Philippine Marines sa Camp Cape Bojeador sa bayan ng Burgos Ilocos Norte. Sinabi ni Secretary Teodoro na may naglalabasan na… Continue reading Fake News, isa sa pinakamalaking kalaban ng kasundaluhan, ayon kay Defense Sec. Teodoro

DFA, binati ang mga nagsipagtapos sa Youth Volunteer Ambassadors Externship Programme

Nagpaabot ng pagbati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga bagong batch ng graduates sa ilalim ng Volunteer Ambassador Externship Programme. Layon ng nasabing programa na ihanda ang mga kalahok bilang mga epektibong tagapagtaguyod ng diplomasya, ipaalam ang mga naghihintay na career opportunities sa larangan ng diplomacy, at ihanda sila sa pagkuha ng DFA… Continue reading DFA, binati ang mga nagsipagtapos sa Youth Volunteer Ambassadors Externship Programme

1 patay at 2 sugatan sa nangyaring ambush sa Calatrava, Negros Occidental

Patay ang isang pulis at dalawa ang sugatan sa nangyaring ambush sa Brgy. Minapasok, Calatrava, Negros Occidental. Ayon kay P/Capt. Judesses Catalogo, Spokesperson ng Negros Occidental Police Provincial Office, maghahain sana ng warrant of arrest ang kapulisan sa isang wanted person sa lugar. Ang wanted person ay kinilalang si Darry Dayawan na miyembro ng New… Continue reading 1 patay at 2 sugatan sa nangyaring ambush sa Calatrava, Negros Occidental