Meralco, may panibagong bawas-singil sa kuryente ngayong Agosto

Magandang balita para sa mga customer ng Manila Electric Company o Meralco dahil magkakaroon ng bawas singil sa kuryente sa kanilang bill ngayong Agosto. Ayon sa Meralco, nasa P0.29 kada kilowatt-hour ang magiging tapyas sa singil ngayong Agosto. Bunsod umano ito ng pagmura ng kuryente sa mga supplier o muling pagbaba ng generation charge sa… Continue reading Meralco, may panibagong bawas-singil sa kuryente ngayong Agosto

Pagtatatag ng disaster food bank sa buong bansa, lusot na sa ikalawang pagbasa

Umusad na sa plenaryo ng Kamara ang panukalang magtatatag ng mga disaster food bank at stockpile sa buong bansa. Sa ilalim ng House Bill 8463 o Disaster Food Bank and Stockpile Act na inaprubahan sa ikalawang pagbasa, ay magtatayo ng imbakan ng food supplies na magagamit tuwing may kalamidad sa bawat probinsya at urbanized city.… Continue reading Pagtatatag ng disaster food bank sa buong bansa, lusot na sa ikalawang pagbasa

DFA, ibinaba na lamang sa Single Crisis Alert Level 3 ang Libya

Ibinaba na ng Department of Foreign Affairs sa Single Crisis Alert Level 3 ang Crisis Alert sa Libya dahil sa mas bumuti na ang sitwasyon sa kabila ng nananatiling magulo ang political at security situation sa nasabing bansa. Ibig sabihin nito ay boluntaryo na lamang ang repatriation sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Libya. Noong 2019… Continue reading DFA, ibinaba na lamang sa Single Crisis Alert Level 3 ang Libya

Ilang bahagi ng EDSA Carousel Bus Lane, nadadaanan na

Photo courtesy of MMDA

Nadadaanan na muli ang ilang bahagi ng EDSA Carousel Bus Lane matapos sumailalim sa limang araw na emergency road repair. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), natapos sa tamang panahon ang pagkukumpuni sa mga inner lane ng EDSA na may malalim na lubak at sira. Nakumpleto na ang asphalt overlay sa mga nasirang daan… Continue reading Ilang bahagi ng EDSA Carousel Bus Lane, nadadaanan na

PCA, pinaigting ang pakikipagtulungan sa grupo ng mga magniniyog

Mas pinaigting ng Philippine Coconut Authority ang kooperasyon nito at suporta para sa mga grupo ng magniniyog sa bansa. Kasunod ito ng paglagda sa isang memorandum of understanding ng PCA sa pangunguna ni Administrator Bernie Cruz sa Confederation of Coconut Farmers Organizations of the Philippines (CCFOP-CONFED) at Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM). Sa ilalim ng… Continue reading PCA, pinaigting ang pakikipagtulungan sa grupo ng mga magniniyog

Proklamasyon ni Cong. Romeo Jalosjos Jr., ng 1st District ng Zamboanga del Norte, pinawalang bisa ng Korte Suprema

Pinawalang bisa ng Kataas-taasang Hukuman ang pagiging Kongresista ni Romeo Jalosjos Jr. ng 1st District ng Zamboanga del Norte. Sa desisyon ng En Banc, pinaburan ng mga mahistrado ang petisyon ng isang Roberto Uy Jr. na ipawalang saysay ang pagiging kongresista ni Jalosjos. Sina Uy, Jalosjos at isang Federico Jalosjos ay magkakalaban bilang Kinatawan ng… Continue reading Proklamasyon ni Cong. Romeo Jalosjos Jr., ng 1st District ng Zamboanga del Norte, pinawalang bisa ng Korte Suprema

Huling insidente ng pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa WPS, tinalakay ni DND Sec. Teodoro at US Defense Sec. Austin

Kinondena ni United States Secretary of Defense Lloyd Austin ang huling insidente ng pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ito’y sa pag-uusap sa telepono ni Sec. Austin at Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kung saan kabilang sa mga tinalakay ang… Continue reading Huling insidente ng pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa WPS, tinalakay ni DND Sec. Teodoro at US Defense Sec. Austin

LTO, planong gawing distribution areas ng unclaimed licensed plates ang ilang malls

Plano na ng Land Transportation Office na gamitin ang mga mall bilang distribution point ng unclaimed licensed plates para mapabilis ang release nito. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II na malaki ang maitutulong nito sa distribution system para hindi ma-overwhelm ang mga district offices ng ahensya. Maaari aniya na magpatupad ng appointment scheme upang… Continue reading LTO, planong gawing distribution areas ng unclaimed licensed plates ang ilang malls

Bagong-upong Phil. Army Chief, nagpatawag ng unang command conference

Inilatag ng bagong-upong Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang kanyang command guidance sa mga opisyal ng Phil. Army, sa kanyang unang command conference sa Army Headquarters kahapon. Ayon kay Phil. Army Spokesperson Colonel Xerxes Trinidad, ang mga prayoridad na isusulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief ay binansagang “A.R.M.Y”. Ito ay… Continue reading Bagong-upong Phil. Army Chief, nagpatawag ng unang command conference

Mga benepisyo ng pamilya ng nasawing pulis sa Taguig, pinamamadali ng PNP

Pinamamadali ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagproseso ng mga benepisyo ng pamilya ng pulis na nasawi sa pamamaril sa loob ng Taguig City Police Station. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brigadier General Red Maranan, pinasisiguro ng PNP chief na maibigay ang lahat ng tulong sa pamilya ni… Continue reading Mga benepisyo ng pamilya ng nasawing pulis sa Taguig, pinamamadali ng PNP