Pagkakaroon ng Migrant Worker Relations Commission, itinutulak

Isang mambabatas ang nagsusulong na magtatag ng Migrant Worker Relations Commission. Sa ilalim ng House Bill 8805 ni Kabayan party-list Rep. Ron Salo, itatatag ang MWRC na isang quasi-judicial body na sasakop sa lahat ng claims at disputes ng mga OFW. Sa paraang ito aniya ay mas matututukan at mapapadali ang pagdinig at pagresolba sa… Continue reading Pagkakaroon ng Migrant Worker Relations Commission, itinutulak

DOTr, CAAP, nakipagpulong kay SP Zubiri para sa development ng Bukidnon Airport

Nagsagawa ng courtesy visit sina Transportation Secretary Jaime Bautista at mga matataas na opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines kay Senate President Juan Miguel Zubiri para talakayin ang nagpapatuloy na development ng Bukidnon Airport na magpapalakas sa air travel at connectivity sa rehiyon. Ang Phase 1 ng Bukdinon Airport Development Project at nagsimula… Continue reading DOTr, CAAP, nakipagpulong kay SP Zubiri para sa development ng Bukidnon Airport

Hepe ng Imus City Police Station, pinalitan kasunod ng kwestyonableng drug operation ng kaniyang mga tauhan

Itinalaga ni Cavite Provincial Director Police Col. Chris Olazo bilang Acting Chief ng Imus Police Station si Police Lt Col. Jack Angog. Ito’y kasunod ng relief at re-assignment kahapon ng hepe ng Imus Police Station na si Police Lt. Col. Michael Batoctoy at siyam nitong tauhan dahil sa kwestyonableng operasyon na nangyari nitong August 2.… Continue reading Hepe ng Imus City Police Station, pinalitan kasunod ng kwestyonableng drug operation ng kaniyang mga tauhan

Plano ng DTI na gawing manufacturing hub ng e-cigarettes ang Pilipinas, pinarerekonsidera

Nanawagan si AnaKalusugan party-list Rep. Ray Reyes sa DTI na pag-isipang mabuti ang plano nitong gawing manufacturing hub ng e-cigarettes at heated tobacco products (HTPs) ang Pilipinas. Nakababahala ayon sa mambabatas na tila naisantabi ang masamang dulot nito sa kalusugan kapalit ng economic gain. Taliwas din aniya ito sa layunin ng RA 11900 o Vaporized… Continue reading Plano ng DTI na gawing manufacturing hub ng e-cigarettes ang Pilipinas, pinarerekonsidera

US Embassy, kinumpirma ang pag-uusap nila DND Sec. Teodoro at US Defense Sec. Austin hinggil sa panibagong insidente sa WPS

Muling tiniyak ng Estados Unidos ang matibay nitong relasyon sa Pilipinas sa gitna ng mga hamon na kinakaharap nito mula sa China sa West Philippine Sea. Ito ang pagtitiyak ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas nang kumpirmahin nito ang nangyaring pag-uusap sa telepono nila Defense Sec. Gilberto Teodoro at US Defense Sec. Lloyd Austin kahapon… Continue reading US Embassy, kinumpirma ang pag-uusap nila DND Sec. Teodoro at US Defense Sec. Austin hinggil sa panibagong insidente sa WPS

DSWD, tuloy-tuloy nang nagsasanay ng student tutors para sa Tara, Basa! tutoring program

Kaliwa’t kanan na ang ginagawang pagsasanay ng Department of Social Welfare and Development para sa mga college student na magiging bahagi ng Tara, Basa! tutoring program. Ayon sa DSWD, kamakailan lang ay may karagdagang 370 college student-beneficiaries ang isinailalim na sa training sa pakikipagtulungan sa Ateneo Center for Educational Development (ACED). Sa ilalim ng Tara,… Continue reading DSWD, tuloy-tuloy nang nagsasanay ng student tutors para sa Tara, Basa! tutoring program

Pilot study ng motorcycle taxi, palalawigin; dagdag na kompanya, papapasukin na rin

Nagkasundo ang Kamara at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawigin pa ang pilot study program para sa motorcycle taxis. Ito’y matapos masita ng House Committee on Transportation ang ahensya sa kung bakit tila naging unlimited na ang pilot study para sa motorcycle taxis. Punto ni Antipolo Representative Romeo Acop, chair ng… Continue reading Pilot study ng motorcycle taxi, palalawigin; dagdag na kompanya, papapasukin na rin

NHA GM Joeben Tai, idinipensa ang isinusulong na charter renewal ng ahensya

Naniniwala si National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai na malaki pa rin ang gampanin ng kanilang ahensya para matugunan ang pangangailangan ng pabahay sa bansa. Tugon ito ni NHA GM Tai matapos magsagawa ng kilos protesta ang ilang grupo sa harap ng tanggapan kahapon dahil sa pagtutol sa patuloy na operasyon at extension… Continue reading NHA GM Joeben Tai, idinipensa ang isinusulong na charter renewal ng ahensya

Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nabawasan

Nagsimula nang bumaba ang imbak ng tubig sa Angat Dam. Sa datos ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay bahagya nang nabawasan at bumaba sa 199.91 meters ang lebel tubig sa Angat Dam. Gayunman, malayo layo pa ito sa minimum operating level ng Angat Dam na 180 meters. Nabawasan rin maging ang imbak… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nabawasan

Mga mall, target na gawing distribution area ng LTO para sa unclaimed licensed plates

Pinag-aaralan ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang posibilidad na maging distribution points na rin ang mga mall para sa unclaimed licensed plates. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, maaaring makatulong ang mga mall para mapabilis ang distribution system sa ahensya at masiguro ang maayos na release ng mga plaka. Sa… Continue reading Mga mall, target na gawing distribution area ng LTO para sa unclaimed licensed plates