Senate Inquiry sa mga reclamation project sa bansa, dapat nang simulan — lady solon

Umaasa si Senadora Risa Hontiveros na masisimulan na agad ang imbestigasyon ng senado tungkol sa reclamation projects sa bansa. Sinabi ito ng senadora kasabay ng pagpapahayag ng pag-welcome sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspendihin ang reclamation sa Manila Bay. Una nang naghain ng resolusyon si Hontiveros na nagsusulong na mabusisi ang… Continue reading Senate Inquiry sa mga reclamation project sa bansa, dapat nang simulan — lady solon

Pamahalaan, inaaral ang posibleng pagkakaroon ng panibagong salary increase para sa mga government employee

Kinumpirma ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na nasa proseso ang Governance Commission for GOCCs para magkasa ng pagaaral sa posibleng pagpapatupad ng panibagong salary increase. Natanong kasi sa DBCC briefing kung may aasahan bang taas sahod ang mga empleyado ng gobyerno sa susunod na taon. Inaasahan na Oktubre aniya matatapos ang naturang pag-aaral at sakali… Continue reading Pamahalaan, inaaral ang posibleng pagkakaroon ng panibagong salary increase para sa mga government employee

Lahat ng reclamation projects sa Manila Bay, sinuspinde ni Pangulong Marcos—DENR

Photo courtesy of DENR FB page

Kinumpirma ng Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) na suspendido ang lahat ng 22 reclamation projects sa Manila Bay. “We are here at that point where the President has then issued the suspension of reclamation projects in Manila Bay really to look into, number one, the environmental impacts, (and) also the social impacts of… Continue reading Lahat ng reclamation projects sa Manila Bay, sinuspinde ni Pangulong Marcos—DENR

DTI at BARMM, lumagda ng kasunduan upang tiyakin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon

Lumagda ang Department of Trade and Industry at ang Bangsamoro Ministry of Trade, Investments, and Tourism ng isang Memorandum of Agreement na magtitiyak sa pagkakaroon ng economic growth at development sa rehiyon. Binigyang diin ni DTI Secretary Alfredo Pascual na layon ng nasabing kasunduan na maisulong ang business development sa mga targeted areas sa Bangsamoro… Continue reading DTI at BARMM, lumagda ng kasunduan upang tiyakin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon

Mahigit 90k mag-aaral sa Muntinlupa, makakatanggap ng Balik-Eskwela kits mula sa LGU

Aabot sa higit 90,000 mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ng Muntinlupa ang inaasahang makakatanggap ng mga Balik Eskwela kit mula sa Pamahalaang Lungsod sa pagbubukas ng pasukan sa Agosto 29. Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, kinakailangan nilang tiyakin ang kinabukasan ng mga bata sa pamamagitan na masigurong mayroon silang gamit pagdating ng… Continue reading Mahigit 90k mag-aaral sa Muntinlupa, makakatanggap ng Balik-Eskwela kits mula sa LGU

DepEd, tiniyak na magkakaroon ng quality control sa learning materials ng MATATAG Curriculum

Tiniyak ng Department of Education na magkakaroon ng quality control sa mga learning materials ng mga mag-aaral sa ilalim ng MATATAG Curriculum upang masiguro na walang magiging ‘error’ sa nilalaman ng mga materyal. Ayon kay Bureau of Learning Resources Director Ariz Cawilan, bumubuo sila ng mga learning resource mediators na magsisiguro na pasok sa curriculum… Continue reading DepEd, tiniyak na magkakaroon ng quality control sa learning materials ng MATATAG Curriculum

DILG Chief, dumalaw sa burol ng 17-anyos na binatilyo na biktima ng ‘mistaken identity’ sa Navotas City

Dumalaw at nagpaabot ng pakikiramay si Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa pamilya ng 17 taong gulang na binatilyo na si Jemboy Baltazar na biktima ng ‘mistaken identity’ sa Navotas City. Ayon kay Abalos, nakakulong na ang mga pulis na sangkot sa krimen at dalawang kaso ang isinampa laban… Continue reading DILG Chief, dumalaw sa burol ng 17-anyos na binatilyo na biktima ng ‘mistaken identity’ sa Navotas City

4.3% na paglago ng GDP sa ikalawang quarter, ikinatuwa ng DOF

Ikinalugod ng Department of Finance ang naitalang 4.3% percent na paglago ng GDP ng bansa sa second quarter ng taon. Dahil dito, dinala ang real GDP growth sa unang bahagi ng taon sa 5.3 percent. Ayon sa DOF, halos lahat ng pangunahing sektor ng ekonomiya gaya ng agrikultura, industry at services sector ay naitala ang… Continue reading 4.3% na paglago ng GDP sa ikalawang quarter, ikinatuwa ng DOF

Labor market ng bansa, bumubuti ang sitwasyon — NEDA

Ibinida ng NEDA sa mga mambabatas na kasabay ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula epekto ng pandemya ay gumaganda rin ang sitwasyon ng labor market. Sa pagharap ng DBCC sa Kamara sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na nakapagtala ng year-on-year net employment creation na 2.3 million o katumbas ng 48.8 million domestic employment… Continue reading Labor market ng bansa, bumubuti ang sitwasyon — NEDA

Posibilidad ng joint military drill ng Pilipinas at China, dadaan muna sa mabusising pag-aaral — AFP

Pakikinggan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sentimyento ng mga Pilipino, hingil sa posibilidad ng joint military drill sa pagitan ng Pilipinas at China. Pahayag ito ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, nang tanungin kung tuloy pa ang proposal na ito, kasunod ng pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal kung saan ginamitan ng water… Continue reading Posibilidad ng joint military drill ng Pilipinas at China, dadaan muna sa mabusising pag-aaral — AFP