DND Sec. Teodoro, nag-iikot sa base militar at bayan sa norte

Nag-ikot si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa mga base militar at bayan sa Hilagang bahagi ng bansa. Binisita kahapon ni Sec. Teodoro ang Munisipyo ng Calayan sa Cagayan kung saan dumalo siya sa isang town hall meeting na pinangunahan ni Calayan Mayor Joseph Llopis at ng Sangguniang Bayan. Sa araw ding… Continue reading DND Sec. Teodoro, nag-iikot sa base militar at bayan sa norte

DTI Chief, binigyang diin ang globalization ng MSMEs sa pagsusulong ng export-oriented economy ng bansa

Binigyang diin ni Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang mga programa ng kagawaran para sa mga micro, small, at medium enterprises sa isinagawang post-SONA Economic Briefing sa Davao City. Ilan sa mga programa ng DTI ay ang pagkakaroon ng mga shared service facilities bilang paraan ng pagpapakilala ng teknolohiya sa mga negosyo,… Continue reading DTI Chief, binigyang diin ang globalization ng MSMEs sa pagsusulong ng export-oriented economy ng bansa

Suplay at presyo ng bigas sa merkado, mahigpit na binabantayan ng gobyerno — NEDA Chief

Nakatutok na ang Inter-agency Committee on Inflation and Market Outlook sa pangunguna ng NEDA sa sitwasyon ng suplay at presyo ng bigas sa merkado. Ayon kay Socioeconomic Planning Sec. Arsenio Balisacan, kasama sa mino-monitor ng komite ang implikasyon ng paggalaw sa presyo sa global market at pati na ang epekto ng mga tumatamang kalamidad at… Continue reading Suplay at presyo ng bigas sa merkado, mahigpit na binabantayan ng gobyerno — NEDA Chief

ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, nanguna muli sa bagong senatorial survey

Nanguna sa panibagong Senatorial Survey si House Deputy Majority Leader at ACT CIS party-list Rep. Erwin Tulfo. Sa inilabas na datos ng OCTA Research, si Tulfo ang nais ng maraming botante na una nilang iboboto sa 2025 midterm election. Nakakuha ng 73% o halos pito sa kada 10 botante ang nais iboto si Tulfo bilang… Continue reading ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, nanguna muli sa bagong senatorial survey

2024 national budget, tatapusin ng Kamara sa loob ng 5 linggo

Pormal nang binuksan ng Kamara ang pagtalakay sa panukalang 2024 National Budget. Unang sumalang sa deliberasyon ang Development Budget Coordination Committee o DBCC na siyang maglalatag ng macro-economic assumptions at iba pang naging batayan sa pagbuo ng P5.768 trillion budget. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, bilang nakaatang sa kongreso ang ‘power of the purse’,… Continue reading 2024 national budget, tatapusin ng Kamara sa loob ng 5 linggo

Matatag na monetary status, fiscal and revenue performance ng Pilipinas, iprinesenta ng economic team

Tinalakay ng economic team ang monetary status at fiscal and revenue performance ng bansa sa Development Budget and Coordination Committee 2024 budget briefing sa Kamara. Iprinesinta ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona ang monetary, financial status at ang growth outlook ng bansa. Ayon kay Remolona., stable ang macroeconomic assumption ng bansa bunsod ng… Continue reading Matatag na monetary status, fiscal and revenue performance ng Pilipinas, iprinesenta ng economic team

Pagsasaayos ng BRP Sierra Madre, walang dapat makialam — AFP

Obligayson ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ayusin ang BRP Sierra Madre dahil ito ay aktibong commissioned na barko ng Philippine Navy. Ito ang binigyang diin ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar kaugnay ng alegasyon ng China na nagdadala ng “construction materials” ang resupply boat na binombahan ng water cannon ng Chinese Coast… Continue reading Pagsasaayos ng BRP Sierra Madre, walang dapat makialam — AFP

Mga tropa sa Western Command, personal na kukumustahin ni AFP Chief of Staff Gen. Brawner, kasunod ng water cannon incident sa WPS

Kasunod ng huling insidente ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS), magtutungo ngayong araw si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner sa Western Command (WESCOM) Puerto Princesa, Palawan. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Ileto, nais alamin ni Gen. Brawner kung ano ang… Continue reading Mga tropa sa Western Command, personal na kukumustahin ni AFP Chief of Staff Gen. Brawner, kasunod ng water cannon incident sa WPS

QC Mayor Joy Belmonte, wagi sa 2023 Search for Outstanding Gov’t Workers ng CSC-NCR

Pinarangalan ng Civil Service Commission NCR si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Regional Winner ng Presidential Lingkod Bayan Award sa 2023 Search for Outstanding Government Workers. Personal na iginawad nina CSC NCR Acting Director Hans Alcantara at CSC NCR Dir. Victoria Esber kay Mayor Joy ang parangal sa Quezon City hall. Ang naturang parangal… Continue reading QC Mayor Joy Belmonte, wagi sa 2023 Search for Outstanding Gov’t Workers ng CSC-NCR

Kontrata sa reclamation projects sa Manila Bay, mainam na suriin — DOJ

Napapahon na ayon sa Department of Justice o DOJ upang repasuhin ang kontrata sa mga proyekto sa ilalim ng Manila Bay reclamation. Ito ang inihayag ni DOJ Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang kaniyang legal na opinyon sa usapin dahil marami ang tiyak na maaapektuhan dito. Paliwanag ng Kalihim, kung siya ang tatanungin, dapat muling… Continue reading Kontrata sa reclamation projects sa Manila Bay, mainam na suriin — DOJ