100K donasyon mula sa LandBank of the Philippines, natanggap ng Daraga LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Halos dalawang buwan nang nag-aalburoto ang Bulkang Mayon. Ngunit patuloy parin ang pagpapaabot ng tulong sa mga residente na naapektuhan nito lalo na sa mga naninirahan ngayon sa mga evacuation centers sa Albay.

Sa programang Arangkada Banwa Stress Reliever Program na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Daraga, nagkaroong ng Evacuation Center Got Talent para maghatid ng saya at tulong sa Mayon evacuees. Naisagawa rin ang libreng manicure, pedicure at libreng gupit kung saan tinagkilik ng mga nanay at ng kalalakihan.

Pinangunahan ang nasabing programa ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office at sa pakikipagtulungan ng Youth for Arangkada Banwa Advocates kasama ang iba pang empleyado ng Daraga Albay.

Samantala, laking pasasalamat naman ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo sa tulong pinansyal na nagkakahalagang 100,000 pesos na donasyon mula sa Landbank of the Philippines.

Ayon kay Mayor Baldo, nakalaan ang natanggap na donasyon para sa relief operations na kasalukuyang isinasagawa dulot ng pag-aalburot ng Bulkang Mayon. Dagdag niya, malaking tulong aniya ito para matugunan ang mga pangangailangan ng mga evacuees.| ulat ni Garry Carl Carillo| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us