Resolusyong humihikayat kay Pres. Marcos Jr. na ratipikahan na ang ILO Treaty vs. karahasan sa lugar ng paggawa, inihain sa Senado

Naghain si Senador Risa Hontiveros ng isang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ratipikahan na ang International Labour Organization Convention 190 (ILO C190). Layon ng naturang kasunduan na maprotektahan ang mga manggagawa mula sa pang-aabuso at harassment sa kanilang lugar ng paggawa. Sa ilalim ng Senate Resolution 726 ni Hontiveros, pinunto… Continue reading Resolusyong humihikayat kay Pres. Marcos Jr. na ratipikahan na ang ILO Treaty vs. karahasan sa lugar ng paggawa, inihain sa Senado

Tara, Basa! tutors na sumailalim sa training, higit sa kalahati na ng target ng DSWD

Ibinida ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa deliberasyon ng kanilang 2024 proposed budget, na higit sa kalahati na ng target nilang tutor para sa programang Tara, Basa! ang sumailalim na sa training. Aniya, hanggang nitong August 8, sa 6,388 target tutors, natapos na ang training ng 3,989 tutors mula sa may 20 nakikibahaging kolehiyo at… Continue reading Tara, Basa! tutors na sumailalim sa training, higit sa kalahati na ng target ng DSWD

Dagdag-bawas sa presyo ng langis, nakaamba sa susunod na linggo

Abiso sa mga motorista! May nakaamba na namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ayon sa source ng Radyo Pilipinas mula sa Oil Industry Players, maglalaro mula Php 1.00 hanggang Php 1.20 ang umento sa presyo ng kada litro ng gasolina. Sa diesel, may nakikitang Php 0.10 hanggang Php 0.20… Continue reading Dagdag-bawas sa presyo ng langis, nakaamba sa susunod na linggo

Sen. Bong Go, pabor na maalis sa listahan ng 4Ps ang mga lulong sa iligal na droga at pagsusugal

Mariing sinasang-ayunan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pagtatanggal sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga indibidwal na lulong sa iligal na droga at pagsusugal. Ayon kay Go, hindi tamang lustayin lang sa pagsusugal at sa iligal na droga ang perang ibinibigay ng gobyerno na ayuda para sa mga… Continue reading Sen. Bong Go, pabor na maalis sa listahan ng 4Ps ang mga lulong sa iligal na droga at pagsusugal

Pagtatatag ng Agriculture Information System, ipinapanukala ni Sen. Sherwin Gatchalian

Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbuo ng Agriculture Information System (AIS) upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa pamilihan. Ayon kay Gatchalian, sa pamamagitan ng AIS ay maiiwasan ang artipisyal na kakulangan ng mga agricultural product na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produkto. Sinabi ng senador, na makakatulong ito… Continue reading Pagtatatag ng Agriculture Information System, ipinapanukala ni Sen. Sherwin Gatchalian

Pagdideklara ng fishing ban ng China sa West Philippine Sea, ‘di kinikilala ng DFA

Naninindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi kailanman kikilalanin ng Pilipinas sakaling magpatupad ng fishing ban ang China, sa pinagtatalunang West Philippine Sea. Ito ay kasunod ng taunang fishing ban na ipinatutupad ng China sa South China Sea kung saan, maging ang mga mangingisdang Pinoy ay nadadamay dahil pinagbabawalan din umano sila na… Continue reading Pagdideklara ng fishing ban ng China sa West Philippine Sea, ‘di kinikilala ng DFA

Panukalang mabigyang proteksyon ang mga manggagawa sa BPO industry, isinusulong ni Sen. Lito Lapid

Panahon na para bigyang proteksyon ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa Business Process Outsourcing (BPO) industry ng Pilipinas. Ito ang iginiit ni Senador Lito Lapid kasabay ng pagsusulong ng Senate Bill 2235. Sa kanyang panukala, ipinunto ni Lapid ang patuloy na lumalawak at paglago ng BPO industry sa nakalipas na dalawang dekada. Kaya… Continue reading Panukalang mabigyang proteksyon ang mga manggagawa sa BPO industry, isinusulong ni Sen. Lito Lapid

NCRPO, nakahanda na sa pagdating ng mga kalahok sa Fiba World Cup sa August 25

Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagdating ng mga deligado sa gaganaping Fiba World Cup, sa darating na August 25. Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Brigadier General Jose Nartatez Jr., na nakalatag na ang security measures mula pagdating ng mga deligado hanggang sa event, sa Philippine Arena. Isa sa… Continue reading NCRPO, nakahanda na sa pagdating ng mga kalahok sa Fiba World Cup sa August 25

DOLE sa mga employer: Ayusin ang wage distortion sa mga empleyado

Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na magbigay lamang ng tamang pasweldo sa kanilang mga empleyado. Ito ang inihayag ng DOLE, makaraang maglabas ng Wage Advisory number 1 ang National Wages and Productivity Commission (NWPC), na nag-aatas sa mga employer na itama ang anumang wage distortion. Magugunitang inaprubahan ng NWPC… Continue reading DOLE sa mga employer: Ayusin ang wage distortion sa mga empleyado

DOTr, tiniyak ang sapat na bilang ng MRT-3 train sets sa kabila ng muling pag-akyat ng daily average ridership nito

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na sapat ang bilang ng mga tren ng MRT-3 para sa dumaraming pasahero ng nasabing rail line. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways Atty. Jorjette Aquino, mahalaga na naisasagawa ng regular at araw-araw ang maintenance activities ng mga tren, pati ang buong linya upang matiyak ang maayos, ligtas,… Continue reading DOTr, tiniyak ang sapat na bilang ng MRT-3 train sets sa kabila ng muling pag-akyat ng daily average ridership nito