Inspeksyon sa mga rice warehouse, tiyak na masusundan pa ayon kay Speaker Romualdez

Siniguro ni Speaker Martin Romualdez na hindi lang pakitang tao ang surpresang pagbisita sa mga warehouse ng bigas. Aniya asahan mauulit ang pag-iikot at pag-inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) sa warehouses lalo na ngayong umaaray ang publiko sa mataas na presyo ng bigas. Magsisilbi rin aniya itong babala sa mga hoarder. Agosto 24 nang… Continue reading Inspeksyon sa mga rice warehouse, tiyak na masusundan pa ayon kay Speaker Romualdez

DILG, pinuri ang PNP at iba pang security forces sa matagumpay na opening ceremonies ng FIBA

Pinuri ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang Philippine National Police (PNP) at ang iba pang security forces sa mapayapang pagbubukas ng 19th FIBA ​​Basketball World Cup 2023 sa Philippine Arena noong Biyernes. Tiniyak ng kalihim na mananatiling nakatutok ang pulisya sa seguridad sa FIBA ​​hanggang matapos ang… Continue reading DILG, pinuri ang PNP at iba pang security forces sa matagumpay na opening ceremonies ng FIBA

Mga transmission lines ng NGCP, nanatiling normal ang operasyon sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Goring

Normal pa rin ang operasyon ng mga transmission lines facility ng National Grid Corporation of the Philippines sa buong bansa. Ito ang tiniyak ng NGCP ngayong hapon sa gitna ng pananalasa ng Bagyong #GoringPH sa ilang lugar sa Northern at Extreme Luzon. Sa ulat ng PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas nito habang gumagalaw pa… Continue reading Mga transmission lines ng NGCP, nanatiling normal ang operasyon sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Goring

Planong rehabilitasyon ng Pasig River, sinuportahan ni First Lady Liza Marcos -DHSUD

Suportado ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang planong ganap na rehabilitasyon ng Pasig River. Ito ay ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development matapos ipresenta sa Malacanang ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD) ang master plan para sa malawakang rehabilitasyon ng Pasig River. Ang pagpapasigla sa Ilog Pasig upang… Continue reading Planong rehabilitasyon ng Pasig River, sinuportahan ni First Lady Liza Marcos -DHSUD

AFP chief, sasalang sa Commission on Appointments sa August 30

Kinumpirma ni Commission on Appointments Assistant Majority leader at Surigao del Sur Rep Johnny Pimentel na sa susunod na linggo ay haharap sa makapangyarihang CA si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. Ani Pimentel, August 30 nakatakdang pagdebatihan ng CA ang promotion ni Brawner bilang Chief of Staff na may ranggong four-star general.… Continue reading AFP chief, sasalang sa Commission on Appointments sa August 30

Creatives Industries panel Chair, pinasalamatan si PBBM sa pagsasabatas ng Cultural Mapping Law

Malaki ang pasasalamat ni House Special Committee on the Creative Industries Chair Christopher de Venecia kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr sa pagsasabatas nito ng RA 11969 o Cultural Mapping Law. Ayon sa mambabatas, isang tagumpay para sa cultural at heritage sector ng bansa aniya’y landmark legislation. Sa paraang ito ay mapo-protektahan at ma-pepreserba ang… Continue reading Creatives Industries panel Chair, pinasalamatan si PBBM sa pagsasabatas ng Cultural Mapping Law

Church lay leaders na tatakbo sa brgy polls, pinagbibitiw na sa kanilang posisyon

Pinayuhan ng isang Catholic Diocese ang church officials ng alinmang church organization na magbitiw na sa kanilang posisyon kung nais nilang kumandidato sa halalan sa Oktubre 30. Sa inilabas na Memo Circular, nagbigay ng guidelines si Bishop Dennis Villarojo ng Malolos tungkol sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Sinuman aniya ang interesado na mahalal na… Continue reading Church lay leaders na tatakbo sa brgy polls, pinagbibitiw na sa kanilang posisyon

Nasa 448 na pamilya inilikas sa probinsya ng Cagayan dahil sa bagyong #GoringPH

Tumaas pa ang bilang ng mga pamilyang kinailangang ilikas sa lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong #GoringPH. Batay sa talaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), umaabot na ito sa 448 na pamilya na may kabuuang 1,473 katao. Mula ito 24 na barangays nang 6 na bayan ng 1st District ng Cagayan… Continue reading Nasa 448 na pamilya inilikas sa probinsya ng Cagayan dahil sa bagyong #GoringPH

Quezon solon, hinikayat ang MARINA at PCG na magtalaga ng maritime safety officers sa mga bayan na may daungan

Hinimok ni Quezon Rep. Mark Enverga ang MARINA at Philippine Coast Guard na magtalaga ng deputized maritime safety officers sa mga lungsod, bayan, at barangay na may daungan. Katuwang ang lokal na pamahalaan, ay maisasailalim aniya sa traning at deployment ang deputized maritime safety officers. Ang panawagan ng mambabatas ay matapos isang bangka ang lumubog… Continue reading Quezon solon, hinikayat ang MARINA at PCG na magtalaga ng maritime safety officers sa mga bayan na may daungan

Bilang ng mga namatay sa sakit na leptospirosis sa Quezon City, tumaas pa

Umabot na sa 19 ang bilang ng mga namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon. Sa kabuuang bilang ng nasawi, 6 dito ay mula sa District 6, 5 sa District 2, 3 sa District 4, tig-dalawa sa District 2 at 5 at 1 sa District 1. Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease… Continue reading Bilang ng mga namatay sa sakit na leptospirosis sa Quezon City, tumaas pa