Mga barangay, hinimok na mas maging aktibo sa pagtugon sa tuberculosis

Kinalampag ni AnaKalusugan party-list Rep. Ray Reyes ang mga barangay na mas maging aktibo sa pagtugon sa sakit na tuberculosis. Ito’y matapos manatili ang TB sa isa sa 10 sakit na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino. Katunayan sa datos ng Philippine Statistics Authority, sa 563,465 na nasawi sa Pilipinas noong Enero hanggang Nobyembre… Continue reading Mga barangay, hinimok na mas maging aktibo sa pagtugon sa tuberculosis

Mga eskwelahan sa lungsod ng Maynila, naging maayos ang pagbubukas ng klase

Naglibot si Manila Mayor Honey Lacuna sa ilang mga eskwelahan sa lungsod kasabay ng pagbubukas ng School Year 2023 – 2024 ngayong araw. Ayon sa alkalde, ginawa lahat ng lungsod ang makakaya nito para mapaghandaan ang pagbubukas ng klase gaya ng pagsasagawa ng Brigada Eskwela. Pinilit din aniyang ibigay ng lungsod ang mga pangunahing pangangailangan… Continue reading Mga eskwelahan sa lungsod ng Maynila, naging maayos ang pagbubukas ng klase

Mga indibidwal na apektado ng pananalasa ng bagyong Goring, umakyat sa 64,000 ngayong araw

Sumampa na sa 19,370 pamilya o katumbas ng halos 64,000 indibidwal ang apektado ng typhoon Goring sa ilang rehiyon sa bansa. Batay ito sa datos ngayong umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ang mga apektadong indibidwal ay mula sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA, at CAR. Sa nasabing bilang,… Continue reading Mga indibidwal na apektado ng pananalasa ng bagyong Goring, umakyat sa 64,000 ngayong araw

32,000 pulis, dineploy ng PNP para sa pagbubukas ng klase

Mahigit 32,000 pulis ang dineploy ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw sa pagbubukas ng klase para masiguro ang seguridad sa mga paaralan. Ayon kay PNP Chief Police General Acorda Jr., mayroon inilatag na 6,159 Police Assistance Desks sa mga stratehikong lugar sa bansa na handang tumugon sa pangangailangan ng mga estudyante, magulang, at mga… Continue reading 32,000 pulis, dineploy ng PNP para sa pagbubukas ng klase

Mga nagbalik eskwelang mag-aaral sa Rizal High School, Pasig City, dumagsa na

Dagsa ang mga mag-aaral sa Rizal High School sa Pasig City ngayong unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan. Ayon kay Rizal High School Principal Richard Santos, nasa mahigit 12,000 ang kabuuang bilang ng kanilang enrollees at inaasahan pa aniyang madaragdagan ito dahil sa mga late enrollees. Pero sa kabila nito, iginiit ni Principal… Continue reading Mga nagbalik eskwelang mag-aaral sa Rizal High School, Pasig City, dumagsa na

VP Sara at AFP chief, pinangunahan ang pagpaparangal sa natatanging tauhan ng AFP

Pinangunahan nina Vice President Sara Duterte at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagpaparangal sa mga natatanging tauhan ng AFP. Ito’y sa “Tribute to Soldiers” awarding ceremony sa pagtatguyod ng Manila Times, na isinagawa sa Manila Hotel kahapon kasabay ng paggunita ng National Heroes Day. Kabilang sa… Continue reading VP Sara at AFP chief, pinangunahan ang pagpaparangal sa natatanging tauhan ng AFP

BIR, nahigitan ang target na koleksyon sa buwis para sa buwan ng Hulyo

Muling nalampasan ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang target nitong koleksyon ng buwis para sa buwan ng Hulyo. Ayon sa BIR, umabot sa P273.134 bilyon ang tax collection nitong Hulyo na mas mataas ng 5.09% sa target para sa naturang buwan. Mas mataas rin ito ng 38% kung ikukumpara sa koleksyon noong Hulyo… Continue reading BIR, nahigitan ang target na koleksyon sa buwis para sa buwan ng Hulyo

MIAA, naglabas ng 8 flight cancellation sa ilang domestic flights ngayong araw

Naglabas ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng flight cancellation sa ilang domestic flights sa bansa dahil sa naitatalang sama ng panahon sa magiging destinasyon nito. As of 7:30 kaninang umaga kaselado ang apat na flights ng PAL Express. Ito ang mga flights na:2P 2905/2906 Manila-Antique-Manila2P 2932/2933 Manila-Basco-Manila Sa Cebu Pacific kanselaso ang… Continue reading MIAA, naglabas ng 8 flight cancellation sa ilang domestic flights ngayong araw

Malabon Mayor Sandoval, nanguna sa pagbubukas ng klase sa ilang eskwelahan sa lungsod

Maagang nag-ikot sa ilang paaralan si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval upang silipin ang sitwasyon sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante ngayong araw. Unang nagtungo ang alkalde sa Malabon National High School na may 3,666 na enrollees ngayon taon, pinakamarami sa buong lungsod. Sunod itong bumisita sa Malabon Elementary School na may 3,800 estudyanteng enrolled ngayong… Continue reading Malabon Mayor Sandoval, nanguna sa pagbubukas ng klase sa ilang eskwelahan sa lungsod

Mga estudyante sa Makati City Science High School sa Brgy. Cembo, patuloy ang pagdagsa ng mga estudyante ngayong unang araw ng pasukan

Patuloy ang pagdagsa ng mga mga mag-aaral sa Makati City Science High School ngayong umaga kung saan ito ang unang araw ng balik-eskwela ng mga estudyante ngayong araw. Sa ngayon ay maayos ang pagpapatupad ng daloy ng trapiko at ang maganda pa rito, bagamat ang naturang paaralan ay bahagi na ng Lungsod ng Taguig ay… Continue reading Mga estudyante sa Makati City Science High School sa Brgy. Cembo, patuloy ang pagdagsa ng mga estudyante ngayong unang araw ng pasukan