4th Infantry Division, buong suporta sa PNP at COMELEC sa pagpapatupad ng checkpoint ops

Tiniyak ni Philippine Army 4th Infantry “Diamond” Division Commander MAJ. General Jose Maria R. Cuerpo II ang kanilang buong suporta sa checkpoint operations ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre. Sinamahan ni MGen. Cuerpo si Police Regional Office (PRO) 10 Regional Director… Continue reading 4th Infantry Division, buong suporta sa PNP at COMELEC sa pagpapatupad ng checkpoint ops

Blended learning, patuloy na ipinatutupad sa Batasan Hills Nat’l High School

Hindi pa rin umiiral ang 100% face-to-face classes sa Batasan Hills National High School ngayong pasukan. Paliwanag ni School Principal Dr. Eladio Escolano, nananatili ang blended learning set-up sa ilan nilang mga estudyante dahil sa hamon pa rin ang kakulangan ng classroom sa naturang eskwelahan. Patuloy rin kasi aniyang lumulobo ang enrollment sa Batasan Hills… Continue reading Blended learning, patuloy na ipinatutupad sa Batasan Hills Nat’l High School

Japan, nagpahayag ng suporta sa layunin ng Pilipinas na makamit ang ‘upper middle income status’

Mainit na tinanggap ng bansang Japan ang bumibisitang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno. Winelcome ni Japan Prime Minister Kishida Fumio ang gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Japan – Philippines High Level Joint on Infrastructure Development and Economic Cooperation. Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Japan, inihayag… Continue reading Japan, nagpahayag ng suporta sa layunin ng Pilipinas na makamit ang ‘upper middle income status’

Mga indibidwal na apektado ng bagyong Goring, higit 21,000 na — DSWD

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng apektado ng malakas na pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong Goring. Sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), as of August 28 ay umakyat pa sa 6,390 pamilya o katumbas ng 21,379 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa apat na rehiyon kabilang ang Regions… Continue reading Mga indibidwal na apektado ng bagyong Goring, higit 21,000 na — DSWD

Mga mag-aaral ng Pres. Corazon C. Aquino Elementary School, QC, balik-eskwela na

Maagang pumasok ang mga estudyante ng President Corazon Aquino Elementary School sa Batasan, Quezon City sa pagbabalik ng klase ngayong Martes, August 29. Halatang sabik ang mga mag-aaral na magbalik eskwela bitbit ang mga bagong school bag at uniporme. Wala pang alas-6 ng umaga, pinapila na ang mga estudyante at agad sinimulan ang unang flag-raising… Continue reading Mga mag-aaral ng Pres. Corazon C. Aquino Elementary School, QC, balik-eskwela na

COMELEC, pinasalamatan ang 10 EMBO barangays sa paggalang sa filing ng kanilang kandidatura sa Taguig

Pinasalamatan ng Comission on Elections (COMELEC) ang 10 EMBO barangays sa paggalang nito sa desisyon ng COMELEC na sa Taguig City maghahain ng kanilang kandidatura para sa darating na Barangay at Sanguinang Kabataan Elections sa Oktubre. Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, nagpapasalamat ito sa mga kandidato sa maayos na pag-file ng kanilang Certificate… Continue reading COMELEC, pinasalamatan ang 10 EMBO barangays sa paggalang sa filing ng kanilang kandidatura sa Taguig

Sen. Bong Go, kontento sa hosting ng Pilipinas ng FIBA World Cup

Kontento si Senate Committee on Sports Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa hosting ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup. Para sa senador, so far so good naman ang hosting ng ating bansa. Bukod sa matagumpay na mga laro, ikinakagalak rin ni Go na sa pamamagitan ng hosting na ito ay naipapakita natin sa mga… Continue reading Sen. Bong Go, kontento sa hosting ng Pilipinas ng FIBA World Cup

Panukala para tuluyang ibasura ang Oil Deregulation Law at itatag ang Budget ng Bayan para sa Murang Petrolyo, inihain sa Kamara

Inihain ng ilang mambabatas sa Kamara sa pangunguna ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo ang House Bill 8898. Layon nitong tuluyang ibasura ang Downstream Oil Industry Deregulation Act at ibalik sa gobyerno ang price control para sa fuel pump prices. Sa isang privilege speech ay una nang sinabi ni Tulfo na… Continue reading Panukala para tuluyang ibasura ang Oil Deregulation Law at itatag ang Budget ng Bayan para sa Murang Petrolyo, inihain sa Kamara

Pondo ng DHSUD, pinadaragdagan para sa pagpapatupad ng National Land Use Policy

Isang resolusyon ang inihain ni House Committee on Appropriations Vice-Chair at Surigao del Norte Representative Francisco “Bingo” Matugas II para maitaas ang pondo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa susunod na taon. Sa inihain nitong House Resolution 1210, binigyang diin ni Matugas na hindi sasapat ang ipinapanukalang pondo ng DHSUD para… Continue reading Pondo ng DHSUD, pinadaragdagan para sa pagpapatupad ng National Land Use Policy

Barangay chairman sa Libon, Albay, patay sa pamamaril sa unang araw ng election period

Patay sa pamamaril ang isang Barangay chairman sa Libon, Albay matapos na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) kahapon. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Alex Repato, 51, kasalukuyang chairman ng Barangay San Jose sa naturang bayan. Base sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-singko ng… Continue reading Barangay chairman sa Libon, Albay, patay sa pamamaril sa unang araw ng election period