OVP budget, mabilis na lumusot sa House Appropriations Committee

Tumagal lang ng 13 minuto at 40 segundo ang budget briefing ng Office of the Vice President na pinangunahan mismo ni Vice President Sara Duterte. Kabuuang P2.37 bilyon ang pondong ipinapanukala para sa OVP sa susunod na taon. Ito ay para maipagpatuloy ang kanilang programa at proyekto. Kabilang dito ang pagbubukas ng karagdagang OVP satellite… Continue reading OVP budget, mabilis na lumusot sa House Appropriations Committee

2022 Census of Agriculture and Fisheries, lalarga na sa Setyembre — PSA

Nanawagan ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa mamamayan na makiisa at makilahok sa pagsisimula ng 2022 Census of Agriculture and Fisheries. Ayon kay PSA Undersecretary at National Statistician Dennis S. Mapa, pormal nang lalarga sa September 4 ang enumeration period o ang pagkalap ng mga datos na patungkol sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.… Continue reading 2022 Census of Agriculture and Fisheries, lalarga na sa Setyembre — PSA

Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkawala ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez

Nagpahayag ng pagdadalamhati ang Malacañang sa pagkawala ng beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez. Ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng kaniyang official X (Twitter) account ay nagpaabot ng kalungkutan sa balita hinggil sa pagpanaw ng beteranong brodkaster. Ayon sa Pangulo, nagbuhos ng dedikasyon si Enriquez at buhay para makapaghatid ng ng patas… Continue reading Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkawala ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez

Caloocan Mayor Malapitan, nagpasalamat sa hatid na tulong ng “Lab for All” program sa higit 5,000 residente sa lungsod

Lubos ang pasasalamat ni Caloocan Mayor Along Malapitan kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa inisyatibo nitong Lab For All Program na naghatid ng libreng serbisyong medikal sa libu libong residente sa lungsod. Nitong Martes, magkasamang pinangunahan nina First Lady Liza Araneta-Marcos at Mayor Malapitan ang rollout ng programa sa Caloocan City Sports Complex kung saan… Continue reading Caloocan Mayor Malapitan, nagpasalamat sa hatid na tulong ng “Lab for All” program sa higit 5,000 residente sa lungsod

Mas marami pang ehersisyo militar sa pagitan ng Pilipinas at Australia, inaasahan ng mga hepe ng militar ng dalawang bansa

Kapwa umaasa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at Chief of the Australian Defense Force (ADF), General Angus Campbell na magkakaroon ng mas marami pang ehersisyo militar sa pagitan ng Pilipinas at Australia. Ang pahayag ay ginawa ng dalawang opisyal sa kanilang pagpupulong kahapon sa pagbisita ni… Continue reading Mas marami pang ehersisyo militar sa pagitan ng Pilipinas at Australia, inaasahan ng mga hepe ng militar ng dalawang bansa

10 domestic flight sa NAIA, kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon

Nagpaabiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero dahil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Batay sa abiso ng MIAA, 10 domestic flights ang kinansela ang biyahe ngayong araw bunsod ng masamang panahon sa destinasyon. Kabilang sa mga nakansela ang biyahe ng Cebu Pacific Flight 5J 404/405 na biyaheng… Continue reading 10 domestic flight sa NAIA, kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon

Intervention program para sa mga komunidad na inaasahang maapektuhan ng El Niño, ilulunsad ng DSWD

Nakatakdang maglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang cash-for-training and work program para sa mga komunidad na posibleng maapektuhan ng El Niño. Pangungunahan ng Disaster Response Management Group (DRMG) ang pilot implementation ng inisyatibong tinawag na Project Local Adaptation to Water Access (LAWA) sa Monkayo, Davao de Oro sa darating na… Continue reading Intervention program para sa mga komunidad na inaasahang maapektuhan ng El Niño, ilulunsad ng DSWD

Caloocan LGU, namahagi ng libreng bag, school supplies para sa mga mag-aaral sa lungsod

Libreng bag at school supplies ang bumungad sa mga estudyanteng nagbalik eskwela sa Caloocan City. Pinangunahan mismo ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang pamamahagi ng school bags at school supplies para sa mga estudyante nang bisitahin nito ang Bagong Silangan Elementary School at Kalayaan Elementary School. May laman ang bawat bag na notebook, lapis, ruler,… Continue reading Caloocan LGU, namahagi ng libreng bag, school supplies para sa mga mag-aaral sa lungsod

Red Cross, ikinalungkot ang pagpanaw ng batikang mamamahayag na si Mike Enriquez

Labis na ikinalungkot at ipinagdadalamhati ng buong hanay ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagyao ng isa sa mga batikang mamamahayag na si Miguel “Mike” Enriquez. Sa isang pahayag, sinabi ni PRC Chairperson at Chief Executive Officer Richard Gordon na isang malaking kawalan hindi lamang sa industriya ng pamamahayag ang pagpanaw ni Enriquez kundi maging… Continue reading Red Cross, ikinalungkot ang pagpanaw ng batikang mamamahayag na si Mike Enriquez

Siklista na sinaktan at kinasahan ng baril ng isang dating pulis na nag-viral sa social media, desidido nang huwag magsampa ng reklamo — Atty. Fortun

Umaasa pa rin si Atty. Raymund Fortun na magbago pa ang isip ng siklistang sinaktan at kinasahan pa ng baril ng isang dating pulis na nakagitgitan nito sa Quezon City na nag-viral pa sa social media. Ito ang inihayag ni Atty. Fortun nang makapanayam ito matapos ang naging pagpupulong nila sa Metropolitan Manila Development Authority… Continue reading Siklista na sinaktan at kinasahan ng baril ng isang dating pulis na nag-viral sa social media, desidido nang huwag magsampa ng reklamo — Atty. Fortun