Isang lalaki na inanod sa Marikina River, pinaghahanap ngayon ng Marikina City Rescue 161

Ikinasa ng Marikina City Recue 161 ang search and rescue operation sa isang lalaki na inanod sa Marikina River. Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Marikina City Rescue 161 chief Dave David, tumawid ng ilog sa ilalim ng Tumana Bridge ang 24 na taong gulang na lalaki para puntahan ang kanyang kaibigan na… Continue reading Isang lalaki na inanod sa Marikina River, pinaghahanap ngayon ng Marikina City Rescue 161

Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng bagyong Goring, umaabot na sa P375 milyon

Umakyat na sa P375 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala ng bagyong Goring sa sektor ng agrikultura. Batay sa report ng DA-DRRM Operations center nasa 8,483 ang bilang ng mga magsasaka na naapektuhan. Ito ay batay sa inisyal na report mula Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, at Western Visayas. Nasa 16,145 na ektaryang lupain… Continue reading Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng bagyong Goring, umaabot na sa P375 milyon

Pag-apruba ni Pangulong Marcos Jr. sa Three-year Food Logistics Action Agenda, ikinatuwa ng DTI

Ikinatuwa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Three-year Food Logistics Action Agenda ng DTI. Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual ito ay naglalayon na baguhin ang sistema ng pamamahagi ng pagkain sa bansa.  Dagdag pa ni Pascual, mababawasan na rin ang mga gastos sa transportasyon… Continue reading Pag-apruba ni Pangulong Marcos Jr. sa Three-year Food Logistics Action Agenda, ikinatuwa ng DTI

Zamboanga Sibugay solon, hiniling sa PNP, BFP at BJMP na i-waive na ang kanilang pabigas para ibigay ang pondo sa subsistence allowance ng PDLs

Iminungkahi ni Zamboanga Sibugay Representative Wilter Palma, na kunin na lang ang pandagdag pondo para sa subsistence allowance ng persons deprived of liberty (PDLs) sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa rice allowance ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at BJMP. Aniya, hindi naman nakakatanggap ng… Continue reading Zamboanga Sibugay solon, hiniling sa PNP, BFP at BJMP na i-waive na ang kanilang pabigas para ibigay ang pondo sa subsistence allowance ng PDLs

Mobile E-Learning Hub Project, pinasinayaan ni Vice President Sara Duterte sa Cebu City

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pagpapasinaya sa pagbubukas ng Mobile E-Learning Hub Project ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Lahug, Cebu City. Layon nitong mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman hinggil sa information and communications technology ang mga mag-aaral na nasa malalayong lugar sa Pilipinas. Ayon kay VP Sara, ang… Continue reading Mobile E-Learning Hub Project, pinasinayaan ni Vice President Sara Duterte sa Cebu City

Pangulong Marcos Jr., magkakaroon ng bilateral meeting sa ilang foreign leaders sa sidelines ng ASEAN Summit sa susunod na linggo

Gagamitin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sidelines ng ika-43 ASEAN Summit upang makipagpulong sa ilang lider ng ibang mga bansa, upang maisulong ang interes ng Pilipinas. Sa pre-departure briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu, na kabilang sa mga makakapulong ng Pangulo ay si Vietnam Prime Minister Pham Minh… Continue reading Pangulong Marcos Jr., magkakaroon ng bilateral meeting sa ilang foreign leaders sa sidelines ng ASEAN Summit sa susunod na linggo

Senado, nagpasa ng resolusyong nananawagang suspindihin ang bagong travel guidelines para sa outbound passengers

Pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na nananawagang suspindihin na muna ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang bagong guidelines para sa mga biyaherong Pinoy na papalabas ng bansa. Inaprubahan rin ng Mataas na Kapulungan ang isa pang resolusyon na magpapahintulot kay Senate President Juan Miguel Zubiri, na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para… Continue reading Senado, nagpasa ng resolusyong nananawagang suspindihin ang bagong travel guidelines para sa outbound passengers

Meralco, tiniyak sa publiko ang kahandaan sa epekto ng bagyong Goring at Hanna

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) sa publiko, na nakahanda itong rumesponde sa mga maaaring maging problema sa serbisyo ng kuryente bunsod ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring at bagyong Hanna. Ayon kay Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe Zaldarriaga, nakahanda ang mga crew ng Meralco na rumesponde 24/7 sa mga… Continue reading Meralco, tiniyak sa publiko ang kahandaan sa epekto ng bagyong Goring at Hanna

PCG, sinuspindi ang biyahe ng mga sasakyang pandagat na may 250 gross tons pababa sa ilang bahagi ng Southern Luzon

Hindi pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Southern Tagalog ang pagpalaot ng mga sasakyang pandagat na may 250 gross tons pababa.  Ito ay dahil sa naranasan na mga malalaking alon dulot ng habagat.  Nakataas pa rin kasi ang gale warning sa Lalawigan ng Occidental Mindoro, Lubang Island, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Polilio Island at… Continue reading PCG, sinuspindi ang biyahe ng mga sasakyang pandagat na may 250 gross tons pababa sa ilang bahagi ng Southern Luzon

Judiciary Department, hiniling sa House Appropriations Committee na dagdagan ang kanilang budget para sa taong 2024

Iprinisinta ng Judiciary Department sa House Committee on Appropriations ang kanilang 2024 budget proposal na nagkakahalaga ng P57.79 billion. Ang 2024 budget ay tumaas ng P2.89 billion kumpara sa 2023 bugdet na nasa P54.90 billion. Hiniling din ni Court Administrator Raul Villanueva sa Appropriations Committee, na dagdagan ang kanilang budget para sa susunod na taon.… Continue reading Judiciary Department, hiniling sa House Appropriations Committee na dagdagan ang kanilang budget para sa taong 2024