Tiniyak ni Philippine Army 4th Infantry “Diamond” Division Commander MAJ. General Jose Maria R. Cuerpo II ang kanilang buong suporta sa checkpoint operations ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Sinamahan ni MGen. Cuerpo si Police Regional Office (PRO) 10 Regional Director Police BGen. Lawrence B Coop, mga opisyal ng COMELEC at mga tauhan at volunteer ng Philippine Coast Guard (PCG) sa unang araw ng paglulunsad ng checkpoint operation sa Kinasanghan, Zone 1, Iponan, Cagayan de Oro City (CDOC).
Ang aktibidad kahapon ng hatinggabi ay nagsilbing naring kick-off ceremony sa rehiyon para sa pagpapatupad ng nationwide gun-ban sa pagsisimula ng election period na tatagal hanggang Nobyembre 28.
Bago sinimulan ang checkpoint operations sa naturang lugar, nagbigay ng briefing sa mga tropa si Atty. Joel Dexter C. Nagtalon, City Election Officer IV, 1st District COMELEC CDOC tungkol sa tamang paraan ng pagsasagawa ng checkpoint. | ulat ni Leo Sarne
📷: 4ID