“Area Task Force North” sa pangunguna ng NOLCOM, tututok sa maritime security sa hilagang bahagi ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong sa unang pagkakataon kahapon ang “Area Task Force North” sa headquarters ng Northern Luzon Command (NOLCOM), para tutukan ang seguridad sa karagatan sa hilagang bahagi ng bansa.

Ang “Area Task Force North” na pinamumunuan ni NOLCOM Commander Lt. Gen. Fernyl Buca ay kinabibilangan ng Philippine Coast Guard, PNP Regional Maritime Units, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Offices, 5th at 7th Infantry Division ng Philippine Army, Naval Forces Northern Luzon, at Tactical Operations Wing Northern Luzon.

Layon ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon ng mga kasapi sa Task Force, sa pagbabantay sa halos 770,000 square kilometers ng karagatan sa palibot ng hilagang Luzon na sumasakop sa Bajo de Masinloc, Luzon Strait, at Philippine Rise.

Sa pagpupulong, binigyang diin ni Lt. Gen. Buca ang kahalagahan ng “information sharing” para sa mas mahusay na “maritime situational awareness”, at walang-patid na presensya ng mga maritime patrol para sa pagpigil ng “intrusions” at iligal na aktibidad.

Ipinaala din ni Lt. Gen. Buca ang mahigpit na pagsunod sa “rules of engagement” at kumpletong dokumentasyon sa mga aksyon na may kinalaman sa “intrusion” at iligal na aktibidad.

Ito aniya ay para masiguro ang mas-secure na Northern Maritime Domain, alinsunod sa direksyong inilatag ng National Security Adviser at Secretary of National Defense. | ulat Leo Sarne

📷: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us