Bahay ng nanay ng dating Comelec Chair, pinasabugan sa Cotabato City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Cotabato City Chief of Police Col. Querubin Manalang. Jr na nagkaroon ng pagsabog ng granada sa labas ng bahay ng nanay ni retired COMELEC Chairperson Sherif Abas sa Narra St, Brgy. Rosary Heights 3, Cotabato City.

Ayon kay Col. Manalang, nangyari ang insidente bago mag alas-otso, kung saan inisyal na inakala ng mga residente sa lugar na transformer ang pumutok.

Wala naman aniyang nasawi o nasaktan sa insidente, bagamat nag-iwan ng crater sa kalsada ang pagsabog ng granada, at nagtamo ng tama ng shrapnel ang SUV na nakaparada sa bahay.

Wala naman umano ang nanay ni Abas sa bahay nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang lokal na pulisya sa insidente upang matukoy kung sino ang posibleng responsable sa insidenteng ito. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us