Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Caloocan ng bags at school supplies sa mga mag-aaral ng iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod sa muling pagbubukas ng klase.
Pinangunahan ni Caloccan City Mayor Dale Malapitan ang pamamahagi ng “balik-eskwela” package para sa mga mag-aaral sa elementarya.
Ayon sa Caloocan LGU, nakatakda rin na makatanggap ng “balik-eskwela” package ang iba pang mag-aaral simula Kinder hanggang Grade 6 sa mga sususnod na araw.
Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa mga magulang, na hikayatin ang kanilang mga anak na mag-aral at pumasok sa paaralan.
Tiniyak naman ng Caloocan LGU, na taon-taon na isasagawa ang programa ng pamamahagi ng bags at school supplies para sa mga estudyante upang makatulong sa kanilang pag-aaral at mabigyan sila ng magandang kinabukasan. | ulat ni Diane Lear