Command responsibility sa Navotas shooting incident, posibleng umabot sa mas mataas na opisyal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng umabot pa sa mas matataas na opisyal ang command responsibility sa Navotas shooting incident kung saan napatay ng mga pulis ang menor de edad na si Jemboy Baltazar matapos mapagkamalang suspek.

Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pulong balitaan sa Camp Crame.

Ayon kay Abalos, lahat ng nangyari sa Navotas incident ay mali, at kasalukuyang tinutukoy ng imbestigasyon ng PNP kung sino ang pinakamataas na opisyal na dapat managot sa ilalim ng doktrina ng command responsibility.

Kasalukuyan nang na-relieve ang lahat ng tauhan ng Navotas City Police Sub-station 4, kasama ang 6 na pulis na direktang sangkot sa insidente.

Sa pulong balitaan, sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Bgen. Jose Melencio Nartatez na inatasan na niya ang Northern Police District Director na tutukan ang imbestigasyon sa insidente.

Ayon kay Nartatez, napakaraming kwestyon sa operasyon ang dapat ipaliwanag katulad ng kawalan ng footage mula sa body cam o alternative recording device, ang hindi pagsasagawa ng paraffin test sa mga pulis na nakabaril sa biktima, ang hindi pag-responde sa biktima, at iba pang anomalya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us