Nalansag na ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang drug den sa Barangay Kaypian, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Kasabay nito ang pagkaaresto sa limang drug suspects at pagkakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng P102, 000, drug paraphernalia at buy-bust money.
Kinilala ang mga nahuling drug personality na sina Emerson Centeno ng Brgy. Kaypian Proper, SJDM, Bulacan; Ryan Joseph Papina ng Brgy. Francisco, SJDM, Bulacan; Abdul-Hadrame Bantuas ng Brgy. Sudapin, Kidapawan City; Christian Jay Villanueva, residente ng Elfaville at Renato Mata, kapwa taga-Brgy. Kaypian Proper, SJDM, Bulacan.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa kanila ng PDEA. | ulat ni Rey Ferrer