First Lady Liza Araneta-Marcos, dumalo sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Pinaglabanan sa San Juan City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumalo si First Lady Louise o “Liza” Araneta – Marcos para pangunahan ang pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Pinaglabanan sa Lungsod ng San Juan ngayong araw.

Bahagi ng pagdiriwang ang flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa dambana ng Pinaglabanan bilang pag-alala naman sa kabayanihan ng mga Pilipinong lumahok sa Labanan sa San Juan Del Monte.

Kabilang sa mga dumalo sina Tourism Sec. Ma. Christina Frasco, Philippine National Police o PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr at mga kinatawan mula sa National Historical Commission of the Philippines o NHCP.

Matapos nito, sunod namang pinangunahan ng Unang Ginang ang pagpapasinaya sa San Juan City Art Trail, tampok ang mga sining na nagpapakilala sa mga kilalang lugar sa lungsod.

Kasama rin si San Juan City Mayor Francis Zamora, pinangunahan ng GinangMarcos ang ribbon cutting ng San Juan City Art Exhibit na nagpapakilala sa mga obra mula sa iba’t ibang panig ng bansa gamit ang kani-kanilang istilo.

Ginawaran din ng parangal ang mga nanalo sa Makabagong San Juan at Pinaglabanan Shrine Photo and Video Contest gayundin ang unveiling ng mga historical marker sa bantayog nila Gat. Andres Bonifacio, Hen. Emilio Aguinaldo at Dr. Jose Rizal na inilipat sa Pinaglabanan Shrine.

Dahil sa nasabing okasyon, deklarado ngayong araw bilang Special Non-Working Holiday sa Lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us