LTO, ipatatawag ang driver ng SUV na nag-iwan ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa Mandaluyong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng sports utility vehicle na nagparada ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa harap ng La Salle Green Hills sa Mandaluyong City.

Matatandaang sumulat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa LTO dahil maling inasal ng SUV driver.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ipinag-utos na niya ang imbestigasyon sa naturang insidente matapos matanggap ang sulat ng MMDA.

Ani Mendoza, paiiralin ang due process at pagpapaliwangin  ang driver kung bakit hindi dapat bawiin ang kaniyang driver’s license.

Batay sa sulat ng MMDA sa LTO, iniwan ng driver ang SUV sa gitna ng kalsada at pumasok sa paaralaln na nagresulta naman sa mabigat na trapiko noong August 16. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us