Mambabatas, nababahala sa bagong travel requirement ng IACAT sa mga biyaherong Pilipino at migrant workers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nababahala sa House Committee on Constitutional Amendments Chair at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na malalabag ang right to travel at right to privacy ng mga Pilipino sa mas mahigpit na travel requirement ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Bilang dating immigration commissioner, sinabi pa ni Rodriguez na ang paghingi ng patunay sa financial capacity ng biyahero gaya ng bank statement o proof of income ay paglabag sa right to privacy ng pasahero.

Malaking inconvenience aniya ito sa mga bibiyahe lalo na sa mga papaalis na migrant Filipino workers.

Mas mailalantad lang din aniya nito lalo ang mga pasahero sa harassment at extortion ng mga tiwaling immigration at airport personnel, maliban pa sa magdudulot din ito ng mahabang pila sa mga immigration counter.

“The more stringent rules will unduly interfere with the Filipinos’ right to travel. Those are unreasonable rules. They will give Filipino tourists, overseas Filipino workers and other travelers a lot of inconvenience, and they could make them vulnerable to harassment and extortion by corrupt immigration officers and other airport personnel,” sabi ni Rodriguez.

Umaasa ang kongresista na habang may panahon pa ay ibasura ng IACAT ang kautusan.

“I am sure Justice Secretary (Jesus Crispin) Remulla, who is a good lawyer, knows the implications of the additional regulations on the right to travel and the right to privacy,” dagdag ng mambabatas.

Batay sa bagong panuntunan ng IACAT na magiging epektibo sa September 3 ang mga turistang Pilipino na bibiyahe sa ibayong dagat ay kailangan ipresenta ang kanilang valid passport, valid visa, boarding pass, return o roundtrip ticket, hotel booking, patunay ng financial capacity o source of income at proof of employment.

May dagdag pang mga rekisitos para sa migrant workers at tourist travelers na sponsored ang biyahe.

Ang bagong panuntunan ay hakbang para masawata ang human trafficking. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us